(Kahit nakaambang tapusin ang Visiting Forces Agreement) PAGSASANAY NG FILIPINO-US ARMY TULOY

Ramon Zagala

CAMP AGUINALDO – NAGPAPATULOY ang magandang ugnayan sa pagitan ng Filipinas at Amerika.

Sa katunayan, nagsasanay  ang mga tropa ng Philippine Army 18th Special Forces Company, Special Forces Regiment (Airborne) at US Army 1st Special Forces Group (Airborne) sa Palawan.

Ang pagsasanay ay bahagi ng training exchange na binansagang Balance Piston 2020 na nagsimula noong Enero 26 at tatagal hanggang Pebrero 23.

Isinasagawa ang pagsasanay sa Philippine National Police Maritime Group Training Faci­lity sa Puerto Princesa, Palawan at sa Headquarters ng 18th Special Forces Company sa Rizal, Palawan.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col Ramon Zagala, layon ng pagsasanay na palakasin ang kakayahan ng Philippine Army kontra tero­rismo at ang “interoperability” sa US army.

Dagdag pa ng opisyal na sinusuportahan ng Philippine Army ang mga pagsasanay sa kanilang mga foreign counterpart para mapalawak ang kasa­nayan ng mga tropa sa iba’t ibang larangan at mapalawak ang koorperasyon at palitan ng impormasyon sa foreign armed forces. REA SARMIENTO

Comments are closed.