(Kahit naniniktik ang mga Chinese) RESUPPLY MISSION TAGUMPAY

KINUMPIRMA kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na matagumpay na naisagawa ng Philippine Navy ang kanilang resupply mission sa BRP Sierra Madre na nasa Ayungin shoal nang walang masamang nangyari.

Ayon kay Lorenzana, bandang alas-11 ng umaga nakadaong ang dalawang civilian resupply boats na may sakay na mga tauhan ng Philippine Navy Sierra Madre at nakapagbaba ng mga kargamento sa Ayungin shoal nang walang anumang aberya.

Gayunpaman, sadyang pasaway umano ang mga Intisk sa paggiit ng kanilang teritoryo.

Isang senior military officer na kabilang sa isinagawang resupply mission ang nagpahayag na ginipit pa rin sila ng konti pero hindi naman hinarang subalit hindi na ipinaliwanag pa kung paano sila pinahirapan.

Magugunitang bago itinuloy ang resupply trip sa Ayungin shoal ay nakipag-ugnayan muna ang defense Department sa emabahada ng China sa Pilipina para tiyakin na hindi na mauulit ang ginawa nilang pagtaboy at paggamit ng water cannon sa dalawang wooden haul supply ship na ginamit ng Philippine Navy para maghatid ng supply sa mga tauhan ng Philippine Marines na naka-station sa stranded na Siera Madre.

Inamin ni Lorenzana na may Chinese coast guard ship sa bisinidad na nagmamasid at hindi pa nakuntento ay nagpadala ng kanilang rubber boat na may sakay na tatlong coast guard malapit sa Sierra madre habang nagdidiskarga ang dalawang supply boats para kumuha ng videos at mga larawan.

“There was a Chinese coast guard ship in the vicinity which sent a rubber boat with three persons near the Sierra madre while our boats were unloading and took photos and videos,” anang kalihim.

“I have communicated to the Chinese ambassador that we consider these acts as a form of intimidation and harassment,” diin ni Lorenzana.

Nabatid na tatagal ng ilang araw ang dalawang supply ships bago bumalik sa Oyster Bay sa Palawan.
VERLIN RUIZ