MAHALAGA kahit sinasabing posibleng maging isang COVID-19 super spreader events ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa China dahil para ito aa pagpapalago ng ekonomiya, pagsigla ng pagnenegosyo at pagyabong ng impraestruktura bukod pa sa pagpapaganda ng relasyon sa nasabing bansa.
Ito ang pananaw ng isang malaking business group sa bansa na umaasa na makakatulong ng malaki sa paglago ng ekonomiya ang state visit ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. sa China.
Tinawag ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) na “very important,” sa ekonomiya ng Pilipinas at bilang trade partner ang naturang pagbisita ng Pangulong Marcos sa China.
Napag-alaman na bukod sa mga economic think tank ng administrasyon ay 11 opisyal ng FFCCCII ang kasama sa 85 business tycoons at entrepreneurs na magiging bahagi ng delegasyon ni Marcos sa Beijing.
“The top three things we want to accomplish – bring as many tourists as possible, sign areas of cooperation in agriculture and fisheries, and third, industrial companies in China to invest in PH like Thailand and Vietnam,” pahayag ni FFCCCII president Henry Lim Bon Liong.
Gayunman,umaasa ang business group na palalakasin pa nito ang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa hanay ng agriculture, trade, infrastructure, energy, tourism at people-to-people exchanges.
Isusulong rin ng FFCCCII ang posibleng joint exploration sa West Philippine Sea (WPS) na ayon sa Department og Foreign Affair ay isa sa mga posibleng matalakay sa pakikipagpulong ng Pangulo kay Chinese President Xi Jinping. VERLIN RUIZ