ALBAY – NANANATILING buo ang pag-asa at sinalubong ng mga Bicolano ang bagong taon sa kabila ng pinagdaanang trahedya na resulta ng Bagyong Usman.
Una nang isinailalim sa state of calamity ang ilang lalawigan sa Bicol partikular ang Camarines Norte, Camarines Sur at Albay kaugnay ng mga naitalang bilang ng casualty at napinsalang mga pananim at ari-arian ng mga residente.
Ilang barangay ang nanatiling isolated sa bayan ng Tiwi sa Albay dahil sa hindi madaanang mga kalsada kaya’t pahirapan din ang pag-aabot ng relief goods para sa mga ito.
Problema rin ang tambak na putik at basura na dinala sa mga bahay na inabot ng baha. AIMEE ANOC
Comments are closed.