HINDI basta-basta ang pagpili o pagbili ng damit o outfit. May mga nagugustuhan tayo ngunit kapag isinukat na, hindi bagay sa hugis ng ating katawan. Mahirap nga naman kasing mamili ng susuotin o damit na babagay sa atin. Bukod din sa style, importante ring bagay ito sa ating kulay.
May mga kahulugan din ang bawat kulay. Hindi ba’t marami sa atin na kapag bibili ng damit, hindi lamang pagkakayari ang tinitingnan kundi maging ang kulay nito. Bawat kulay ay mayroong positive at negative meanings at kailangang alam natin iyon para tumpak ang mabili nating outfit sa okasyong ating paggagamitan.
Dahil isa sa kinahaharap na problema lalong-lalo na ng mga kababaihan ang pagpili ng magandang outfit na babagay sa kanila, narito ang ilang tips na makatutulong upang bukod sa makatipid, mabili ang swak na damit o outfit:
USONG DAMIT
Hindi mo kailangan bumili lagi ng usong kasuotan. Madalas kapag may nalaman o narinig tayong bagong uso na damit, gusto nating bilhin agad ito. Wala namang masama sa pagbili ng mga ito, ngunit lagi nating tatandaan na nalalaos din ang lahat ng nauuso.
Pero malaos man ang ilang klase o style ng damit, may kulay naman na laging patok sa kahit na anong panahon, ang itim.
Ngunit bakit nga ba itinuturing na hindi nawawala sa uso ang kulay itim?
Marami ang nahihilig sa kulay na ito. Nakapapayat nga naman daw ito at madaling bagayan. Swak din ito sa kahit na anong okasyon.
Ayon kay Julia Robillos, isang certified Master Personal Brand Strategies and Fashion & Image Consultant sa mga kompanya at business executives, ang kulay na itim ay mayroong positibo at negatibong kahulagan.
Ang positive meanings nito ay formal, sophisticated, mysterious, strong at dignified. Samantalang ang negative meanings naman nito ay mourning, sorrows, aloof, negative, lifeless, uncertainty at depression.
Mayroon din itong Positive Psychological Impact gaya ng sign of respect partikular na sa bereavement. Isang paraan din ang pagsusuot ng nasabing kulay para hindi ka lapitan ng tao o to keep a people at a distance.
Walang panahon para sa marami ang pagsusuot ng ganitong kulay. Kung kailan nila maisipan ay ginagawa o sinusuot nila. Ngunit ayon kay Robillos, may mga panahon na kailangang iwasan ang pagsusuot nito gaya na lang sa kasal. Hindi nga naman ito joyous na kulay. Hindi rin ito mainam suotin sa telebisyon dahil mabigat ito sa manonood at decapitator. Kumbaga, hindi sa mukha mo matutuon ang pansin ng manonood kundi sa outfit o suot mo.
FASHION STYLE
Alamin ang iyong fashion style. Kailangang kilalanin mo ang iyong sarili pagdating sa pamimili ng damit o kung paano mo ito susuotin. May iba na ang gustong suotin ay sneakers samantalang ang iba naman ay heels. Maganda pareho ang mga ito pero dapat pa rin ay pasok ito sa style mo. Kaya unang-una mong kailangang gawin, alamin kung anong estilo ang gusto mo at babagay sa iyo. Kapag nalaman mo na ang iyong fashion style, magiging madali na lamang para sa iyo ang pagpili ng outfit.
May isang kulay ng damit na hindi gaanong kinahihiligan ng mga kalalakihan, at iyan ang pink. Ngunit para naman sa mga babae, maganda ang kulay na ito at nakababatang tingnan.
Ngunit alam n’yo bang ang pink ay kulay talaga na swak sa mga lalaki? Malinis kasi itong tingnan. At sabi nga, tunay na lalaki raw ang nagsusuot ng kulay pink.
Ang mga positive meaning naman ng pink ay gentle, accessible at non-threatening. Samantalang ang negatibong kahulugan nito ay unimportant, safe, pathetic at under confident.
Ang Positive Psychological Impact naman nito ay: (1) to soften an austere business look as a dress shirt or blouse to complement a neutral suit; (2) for afternoon gathering like teas, christenin, and garden parties to look elegant; (3) as mother or grandmother of the bride.
Kailangan naman daw iwasan ang pagsusuot ng pink kung kinakausap mo ang boss mo tungkol sa iyong promosyon dahil hindi management material ang pink o peach.
So, alam n’yo na kung kailan ninyo ito dapat iwasan.
KULAY NG BALAT
Bukod sa kulay ng damit, dapat din nating isaalang-alang ang kulay ng balat sa pagpili ng kulay ng bibilhing outfit. Hindi lamang budget ang dapat nating isaalang-alang.
Subukan mong piliin ang mga light na kulay gaya ng white, beige, o light brown.
Malinis tingnan at magaan sa paningin ang mga light na kulay, lalong-lalo na ang puti. Marami ang nahihilig sa nasabing kulay dahil na rin sa rami ng maaaring iterno rito.
Ang mga positive meaning naman ng puti ay pure at clean, fresh, futuristic, joy, hope, spiritual, delicacy, forgiveness, love at enlightenment. Ang Positive Psychological Impact naman nito ay: (1) nagbibigay ito ng strong contrast sa mga dark color gaya ng navy, charcoal o black; (2) as a first time bride; (3) para makakuha ng atensiyon.
MAG-RESEARCH
Kung wala ka namang ideya sa gusto mo, puwede ka rin namang mag-research bago magtungo sa mall. Isipin mo rin kung ano ang babagay sa pangangatawan mo. Puwede ka rin namang magtanong sa mga kaibigan at kakilala kung anong outifit ang bagay sa iyo.
Isa naman ang kulay pula sa nakatatawag ng pansin. Kaya’t kung gusto mong maging agaw-pansin sa pupuntahang lugar, puwede mong piliin ang ganitong kulay.
Ilan pa sa positive meanings ng nasabing kulay ang confident, assertive at dramatic. Nakapagbibigay rin ng psychological boost of energy ang nasabing kulay. Mainam din ito kung nais mong ma-attract ang kabilang kasarian.
Hindi nga naman nawawala ang mga kahulugan ng iba’t ibang kulay.
Ngunit nasa atin pa rin ang desisyon kung anong outfit at kulay ang swak sa ating panlasa.
Comments are closed.