KAI SOTTO ATAT NANG MAGLARO PARA SA GILAS

KAI SOTTO

MALAKI ang posibilidad na makapaglaro si Filipino hoops sensation Kai Sotto para sa Gilas Pilipinas para sa nalalapit na window ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers.

Gayunman, nakadepende ito sa magiging iskedyul ng NBA G League.

“I think [there’s a] higher probability for me to play in this upcoming window but it also depends on the schedule because they said we might have G League next year,” wika ni Sotto.

Ang 7-foot-2 center ay bahagi ng NBA G League select team Ignite, kasama ang iba pang top basketball prospects na sina Daishen Nix, Isaiah Todd, Jonathan Kuminga, Princepal Singh, at  Fil-Am Jalen Green.

Bagama’t ang posibleng paglalaro ni Sotto sa Gilas ay nakadepende sa magiging iskedyul ng G League, ang dating Ateneo star ay umaasang maka-kasama sa national team sa susunod na FIBA window sa February 2021.

“It just depends on the schedule but I really look forward to playing in the next window,” he said.

Nag-alok ang Filipinas na maging host sa susunod na window ng FIBA Asia Cup qualifiers, alinsunod sa  PBA bubble.

Sa katatapos na November window ng FIBA Asia Cup qualifiers sa Manama, Bahrain ay winalis ng Gilas Pilipinas ang Thailand para itala ang kanilang ikalawa at ikatlong panalo sa torneo.

Comments are closed.