EXCITED si Kai Sotto na sumama sa training bubble ng Gilas pool. Dumating si Sotto sa bansa noong Martes ng gabi. Dahil sa protocols ay kailangan pang mag-quarantine ang 7’3 player bago makasama ang teammates niya sa national team. Ang FIBA Asia Cup Qualifiers ay gaganapin na sa Doha, Quatar makaraang umatras sa hosting ang Filipinas dahil sa travel restrictions na ipinatutupad ng pamahalaan. Welcome back, Kai.
Hindi bibitiwan ng Rain or Shine si Beua Belga, ayon kina team owner Raymund Yu at team manager Edison Orbiana. Si Belga ay pinapirma ng panibagong dalawang taong kontrata ng management. Saka hindi basta- basta bibitiwan ng Elasto Painters si ‘Extra Rice’ dahil kailangan nila ito sa 46th season ng PBA para pangunahan ang ROS.
Pinaikot-ikot lang ng PBA ang mga follower ng liga. Inaprubahan din ni Kume Willie Marcial ang trade ni CJ Perez sa San Miguel kapalit ng tatlong players ng Beermen. Dinagdagan lang ito ng dalawang 1st round pick sa 2022 para patas daw ang laban. Sabagay, wala naman magagawa si Mr. Marcial, ang nasusunod din dito ay ang Board of Governors ng PBA.
Samantala, sa kasalukuyan ay nasa training bubble si Perez. Nagsalita na nga ito na naguguluhan na siya sa mga lumalabas na bali- balita hingil sa kanyang trade. Para sa kanya, kahit saan siya mapuntang team ay lalaro lang siya. Dahil wala namang magagawa ang player kapag may kontrata kung saan itapon ay tanggapin ng maluwag sa dibdib.
Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Games and Amusements Board (GAB) Anti-Gambling Division at ng Manila Police Department (MPD) ang illegal bookies sa Tondo, Manila na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang operators kamakailan.
Muling kumilos ang GAB-AIGD, sa pamumuno ni SGI-2 Glenn Pe, at ang MPD Special
Unit, sa pangunguna naman ni PCPT Jervies Soriano, Deputy Chief, sa patnubay ni PMAJ Cicero Pura, para masawata ang mga pasaway sa panulukan ng Pavia at Franco Sts. sa Brgy. 62 Zone 6 na nagsasagawa ng illegal bookies sa gitna ng ipinatutupad na health and safety protocol ng pamahalaan.
Nadakip at sinampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Anti-Gambling (Illegal Horse Racing Bookies) sina Jaymee Cortaga, 36; at Benjie Morales, 37. Nakuha sa dalawa ang mga kagamitan sa operasyon.
“Patuloy pa tayong nakatatanggap ng sumbong mula sa mga concerned citizen at tinitingnan at kung makumpirma agad ay huhulihun ng mga ating kapulisan,” ayon kay Pe.
Malaking halaga ng buwis na magagamit sana ng pamahalaan sa mga programa tulad ng paglaban sa coronavirus ang nawawala dahil sa ilegal bookies.
Muling pinaalalahanan ni Pe ang mga mamamayan, higit yaong mga aficionados ng horse racing na tumangkilik sa mga legal na Off-Track Betting Station, gayundin sa mga cashless online services na ginagamit sa kasalukuyan ng malalaking karerahan sa bansa.
“‘Yung buwis po na nakokolekta sa mga legal na programa ng horse racing at iba pang sanctioned program ng GAB ay nagagamit po sa pangangailangan ng ating mga mamamayan,” dagdag pa ni Pe.
Comments are closed.