INANUNSIYO ni Filipino sensation Kai Sotto ang kanyang intensiyon na lumahok sa NBA Draft ngayong taon.
Ang anunsiyo ay ginawa ni Sotto sa isang post sa Instagram nitong Huwebes.
“I have declared for the 2022 NBA Draft. Please pray for and support me during my quest to fulfill my ultimate dream,” sabi ni Sotto sa kanyang post.
Sa post ay pinasalamatan din niya ang Adelaide 36ers, ang kanyang koponan sa Australian National Basketball League.
“Thank you, Adelaide! Thank you, Australia! It has been an unforgettable year!”
Si Sotto ay pinarangalan noong Miyerkoles bilang Fans MVP ng NBL.
Target na ng Filipino player na lumahok sa NBA Draft magmula nang umanib siya sa NBA G League team Ignite noong 2021 subalit hindi ito natuloy.