Kaila Estrada, ayaw maka-project ang ama’t ina

Sa dami ng gustong magkasama sa teleserye at pelikula ng magandang anak Nina Janice de Belen at John Estrada na si Kaila Estrada, hindi niya nabanggit ang ama at ina.

Hindi pa umano siya handang nakasama sino man kina Janice at John. Sobrang accomplished na raw ang dalawa at ayaw niyang makumara sa kanila.

Si Janice nga naman ay kilalang mahusay na artista na bata pa lamang, at hangga ngayon ay itinuturing na isa sa pinakamahuhusay na artista sa bansa.

Si John naman, kahit nagsimula sa mga goody-goody roles noong 80s, naging napakahusay na rin nito. In fact, sa role niyang Rigor Dimagiba na ama-amahan ni Tanggol sa Batang Quiapo ng ABS CBN primetime, marami ang nagagalit sa kanya dahil napakamakatotohanan ng kanyang pagganap bilang pulis na tapat sa kanyang tungkulin, ngunit malupit na stepfather kay Coco Martin.

Si Kaila naman, puro supporting roles lang ang napupunta sa kanya, ngunit sa bawat pagganap ay nag-iiwan siya ng marka. Of course, mahusay din siyang aktres. Ikaw na ang maging anak Nina John at Janice! Kanino pa ba magmamana?

Thankful naman si Kaila na namana niya ang mga good genes ng kanyang mga magulang. Kahit daw mas kamukha niya si John, tingin raw niya ay mas nagmana siya kay Janice dahil ito ang lagi niyang kasama.

Right now, hinahasa pa niya ang kanyang sarili upang maging mas mahusay siyang artista, at pag handa na siyang makipagsabayan ng acting sa kanyang mga magulang, gagawa sila ng project na magkakasama.

Right now, focus daw muna siya sa paghahasa ng kanyang talento. Tinatanggap raw niya kahit anong project ang dumating dahil isang paraan ito upang magkaroon siya ng actual practice.

In fairness, hindi raw naman siya nape-pressure na maikumpara sa parents niya, dahil totoong extraordinary ang kanilang acting legacies. Bago pa lamang siya sa industrya at marami pa siyang kakaining bigas bago niya maabot ang kahit kalahati ng kanilang narrating.

Ayaw rin niyang ikumpara ang kanyang sarili sa dalawa dahil accomplished na sila. Hindi rin umano siya pini-pressure nino man. Kaso, siya mismo ang hindi kuntento.

“I just don’t wanna fail, I just wanna be good,” aniya.
Sa kanyang henerasyon, isa si Kaila sa itinuturing na mahusay na aktres. RLVN