KAILANGANG I-REGULATE ANG E-BIKES, E-SCOOTERS SA LANSANGAN

KAHAPON lamang habang ako ay bumabagtas sa kahabaan ng Marilaque Highway papuntang Antipolo, kapansin-pansin ang samu’t saring mga sasakyan na may dalawang gulong. Ang tinutukoy ko ay ang mga motorsiklo, scooter, bisikleta at ang tila nauusong libangan ng mga kabataan, ang e-scooter o electric scooter.

Ang e-scooters ay yaong mga sasakyan na nakatayo ang nagmamaneho nito. Walang upuan tulad ng motorsiklo o bisikleta. Nauna kong nakita ito sa BGC at Makati. Sabi ko nga dati ay sosyal ang dating.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami ang dumadagsa na mga grupo na nagbibisikleta patungong Antipolo. Ganoon din ang mga motorsiklo na may iba’t ibang klase ng laki ng makina. May naka-150cc na makina at may mga astig na naka-‘big bike’ kung saan mahigit 500cc pataas ang laki ng makina nila.

Bukod sa helmet, todo suot sila ng mga gadyet upang makatulong laban sa mga hindi inaasahang aksidente.

Subalit ang napuna ko noong weekend ay ang mga nagsusulputan na mga grupo na naka-e-scooter.

Napansin ko dahil walang habas ang pagharurot nila sa Marilaque Highway na akala mo ay mga motorsiklo sa bilis ang kanilang takbo. Sa aking estimasyon, tumatakbo sila ng mahigit na 50kph.

Mabilis na ito para sa e-scooter. Kaunting pagkakamali lamang ay siguradong matinding aksidente ang aabutin dito.

Napaisip tuloy ako, may regulasyon na ba ang LTO sa mga gumagamit ng e-scooters? Kung mayroon man, ito ba ay binigbigyang pansin nila? Sa nakita ko noong Linggo, tila may kakulangan yata.

Maghihintay pa ba tayo ng isang malagim na balita na dumadami ang naaaksidente sa mga gumagamit ng e-scooter bago ito aksiyunan ng LTO?

Noong nakaraang taon, ang LTO ay nagsumite ng draft ng guidelines sa DoTR na kinakailangan nang mag-e-bikes at e-scooters na iparehistro sa LTO at kailangan ng lisensiya sa mga gumagamit nito. Sa panig naman ng DoTR, may ginagawa silang draft ng isang memorandum circular sa paggamit ng mga electric-powered na saskayan.

Ayon kay LTO chief Edgar Galvante, ang Republic Act 4136 ay nagsasaad na lahat ng mga nagmamaneho ng kahit na ano mang uri ng sasakyan ay nangangailanagan ng lisensiya at kailangan ding irehistro ang nasabing mga sasakayan.

Ayon din sa isinumiteng guidelines ng LTO, kailangan ding matukoy kung saan at kung anong klasipikasyon o pag-uuri ng daan maaring magamit ang e-scooter o e-bike. Kasama na rin dito ang wastong mga gamit pamproteksiyon sa nagmamaneho ng e-scooter at e-bike.

Malinaw ang diwa ng isinasagawa nilang regulasyon para sa nasabing mga umuusbong na sasakyan.

Sabi nga ni LTO chief Galvante, “While restrictive, the guidleines for operating e-scooters and e-bikes are meant to protect the well-being and safety of commuters on the road.”

Umaasa ako na magkaroon na ng kaliwanagan mula sa LTO ang regulasyon sa paggamit ng e-bikes at e-scooters bago maging huli ang lahat at maglipana ang sandamakmak ng mga ganitong sasakyan sa mga pangunahing lansangan. Baka maisama ang hanay ng mga gumagamit ng e-scooter sa tinatawag na ‘Kamote Riders”. Dagdag sakit ng ulo na naman ito.

100 thoughts on “KAILANGANG I-REGULATE ANG E-BIKES, E-SCOOTERS SA LANSANGAN”

  1. Pingback: 1woodlands
  2. drug information and news for professionals and consumers. Learn about the side effects, dosages, and interactions.
    https://clomiphenes.online buy generic clomid no prescription
    Get information now. drug information and news for professionals and consumers.

Comments are closed.