INILUNSAD ng lokal na pamahalan ng Pasay ang “Kain Tayo Mobile Kitchen” na naglalayong makapamahagi ng mga masusutansyang pagkain sa ng buntis at lactating mothers kabilang ang kanilang mga tsikiting, mga batang nasa pre-school, senior citizens, mga batang may special needs pati na rin ang mga informal settlers.
Sinimulan ng Social Welfare and Development Department (SWDD) kahapon ang programang “Kain Tayo Mobile Kitchen” ng lokal na pamahalaan na magtatagal ng hanggang Hulyo 29 sa mga piling lugar sa lungsod.
Ang nabanggit na programa ay sumusuporta sa Rise Against Hunger program, isang hunger relief operation na namamahagi ng pagkain sa mga vulnerable sector upang maiwasan ang kagutuman.
Bukod pa sa programang “Kain Tayo Mobile Kitchen” ay nagsasagawa rin ang SWDD ng Food Bank Operations na tumutulong sa mga residente ng lungsod na matinding naapektuhan ng pandemya na dulot ng COVID-19.
Ang programang “Kain Tayo Mobile Kitchen” ay bahagi ng HELP priority agenda (Health programs and Housing, Education, Economic Growth and Environment, Livelihood and Lifestyle, and Palengke at Pamilya ng lokal na pamahalaan.
Kaya’t pinayuhan ang mga residente na bumisita sa opisyal na Facebook page ng Pasay City Public Information Office kung saan makikita ang iskedyul ng “Kain Tayo Mobile Kitchen.” MARIVIC FERNANDEZ