KAKAI BAUTISTA NAPAGKAMALANG NANAY NI AHRON VILLENA

KAKAI BAUTISTA AND AHRON VILLENA

NAGSIMULA raw ang intimacy nina Ahron Villena at Kakai Bautista nu’ng minsang magkasama silangsizzling bits nagpunta sa Japan at napagkamalang nanay niya ang komedyana ng Immigration Officer ng Japan. ‘Dun daw talaga nag-start and from then on, their friendship had blossomed.

Anyway, tinanong ng press si Ahron kung comparable ba sa working title ng kanilang movie (Harry & Patty, A Beginning of a Not So Beautiful story) ang story ng friendship nila ni Kakai.

“Sa mga hindi nakaaa­lam, naging close kami sa Japan. Doon nagsimula ang friendship namin.

“Dun talaga nag-start and from there, tumagal nang tumagal. Hanggang sa dumating sa point na ‘yung mga taong malisyoso, ‘yung mga taong iba ang iniisip, nagkaroon kami ng gap.”

Tapos, may mga pictures daw sila on Instagram na unplanned na parang, iba ang dating sa ibang tao, na binigyan nila ng ibang meaning.

Hindi ba puwedeng mauwi sa totoong love story ang kanilang intimacy?

“Hindi ko alam!” he said half amused. “Mahirap magsalita ng tapos.”

“Si Kakai,” he elucidated, “is a good person. Sobrang mabait. At isa sa gusto ko sa kanya, ‘yung boses niya.

Sabi ko nga, yung iba baka akala komedyante lang siya. Pero kapag kumanta si Kakai Bautista, pipikit na lang ang kinakantahan. “Parang, ‘Wow, ang ganda ng boses nito.’”

At this juncture, natatawang nagbiro si Kakai. Sana raw pala, naging boses na lang siya.

“Hindi naman!” counted Ahron smiling. “Makinis si Kakai. Nakita ko na siyang naka-two-piece.”

Anyhow, na-bash at naintriga si Ahron at duma­ting pa nga sa point na nagkasagutan pa sila sa ilang write-ups.

Tinawag nilang “pa-fall,” o pinapaasa lamang niya si Kakai when the truth is wala naman siyang feelings rito.

But in a way, is it possible for him to fall for someone like Kakai?

“Well, to be honest po, ako, hindi ako tumitingin sa panloob o panlabas na kaanyuan,” he elucidated. “As long as nakikita ko na may mabuting puso ang tao.

Pero ako, naniniwala na ang love naman, hindi mo naman mahahanap kung maganda ka, kung hindi.

Basta nakikita mo na yung taong kaharap mo at kasama mo, e, mabuti sa iyo, marunong makiharap.

Basta right now, nag-e-enjoy ako na after what happened sa amin two years ago, naging okey kami. Hindi planado, unang-una, masaya kami, lumalabas kami… Kumbaga, nag-start kaming lahat na ganito, I’ll never know.”

PAUL SALAS DAPAT NA NGA LANG MANAHIMIK

PAUL SALASDAHIL sa matinding pasabog ang post ni Barbie Imperial sa socmed where she showed her blue and black body, imbiyerna to the max ang netizens sa boyfriend nitong si Paul Salas.

Sino pa nga naman ang gagawa nu’n kundi ang boyfriend niyang may pagka-‘praning’ at weird ang tripping.

Sa isyung umbagan, natural lang na mairita ang netizens sa ombre.

What right has he got to that? Ni hindi pa nga sila kasal lumalabas na ang kanyang pagkabarumbado.

Prized talent sa ngayon ng Kapamilya Network si Barbie at leading lady ni JM de Guzman sa top-rating na teleseryeng Araw Gabi.

Si Paul naman, StarStruck Kids nagsimula noong 2004. He decided to transfer to ABS-CBN in 2009 and lately, balik-Kapuso siya last March 2018. He’s being co-managed by Perry Lansigan and GMA Artist Center.

Sabi ng mga nakikisimpatya sa mainitin ang ulong bagets, kawawa raw si Paul at ang kanyang pamilya?

Bakit naman? Siya na nga ang nambugbog diumano ay siya pa pala ang kawawa.

Asan naman ang logic doon, aber?

Ang sabi ng mga symphatizers niya, Barbie started it out supposedly and Paul and his family chose not to say anything.

Ano naman kasi ang sasabihin niya, aber?

Granting na na-provoke siya ni Barbie, na sa palagay ko ay hindi naman niya gagawin, this guy doesn’t have any right to man-handle her.

Dapat lang namang manahinik siya dahil wala naman siyang masasabi. They can only do so much because any way you look at it, Barbie is the aggrieved party.

Period. Walang comma!

Magsitigil na nga kayo sa kangangawa na dehado si Paul dahil babae si Barbie.

‘Yun lang!

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

Comments are closed.