KAKAIBA ANG IGLESIA NI CRISTO!

SUMAPIT na sa kanilang ika-109 anibersaryo ng pagkakatatag ang Iglesia ni Cristo.

Ito’y isa sa malalaking relihiyon mula pa noong 1914.

Paano nga raw ba manalangin ang isang miyembro ng Iglesia ni Cristo, katulad din ba ng sa Katoliko at o ibang relihiyon?

Una , nagpapasalamat sa kapurihan ng Diyos ,Ikalawa inihihingi ng kapatawaran ang mga naging pagkululang at pagkakasalang nagawa, ikatlo ipakiusap kung ano ang mga pangangailangan sa buhay at kasama rin na ipanalangin ang administration ng INC .

Ito’y ginagawa ng buong taimtim na panalangin na nakapikit ang mga mata.

Kapag nga naman taimtim ang panalangin natin ay damang-dama natin sa ating puso at kaluluwa ang ispirito ng Diyos.

Maraming pagkakataon na sobrang hirap na hirap na tayo sa ating nararamdamang mga pagsubok sa buhay subalit , kapag ipinagpasa-Diyos na natin lahat, gumagaan ang ating pakiramdam at buhos ang mga biyayang kailangan natin.

Tunay na tinitingala na ngayon ang samahan , sapagkat bawat taon ng pagdiriwang ay pawang kasiglahan ang nararamdaman at tuloy ang pagpapatayo ng maraming bahay sambahan.

Dumaan nga naman sa matinding pagsubok, kung saan pinag-usig at kinutya ngunit sa kabila nito ay hindi natinag ang Iglesia sa ginagawang pananampalataya.

Nang pumanaw si Bro. Felix Y. Manalo, ang pumalit sa kanyan ay si Bro.Erano G. Manalo at nang mamatay ito ay naging kapalit si Bro, Eduardo V. Manalo na siyang kasalukuyang nangangasiwa sa INC.

Nagniningning ang Iglesia ni Cristo, nirerespeto at tinitingala saan mang dako ng daigdig kung saan mayroon nang 165 teritoryo.

Mararamdaman lagi ang pagkakaisa at pagtutulungan lalo na sa oras ng kalamidad at mga pangangailangan.

Kaya nga naman kahit na mga opisyal ng gobyerno ay marami ang humihingi pa ng mga advise mula sa tanggapang pangkalahatan upang maigiya rin sa ibang mga usaping pang-ekonomiya o katahimikan ng bansa.

Halos alam na rin ng lahat ang sinasabi ng miyembro ng Iglesia ni Cristo kapag tinatanong kung paano itinayo ang relihiyon. Search ninyo nga naman sa Bible ang nakasulat sa Mateo 16:18.

Kaya kagaya ng nasa Roma 16:16 “Mangagbatian kayo ng banal na halik ,Binabati kayo ng lahat ng mga Iglesia ni Cristo.

Maligayang kaa­rawan ng pagkakatatag sa lahat ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa buong daigdig.

Kailangan lamang marahil sumampalataya, magtiwala at umasa sa magagawa ng Diyos sa atin.

Mabuhay!