KAKAIBANG OCTOBER 7

ISA sa mga pinakamalaking pangyayari sa araw na ito ay naganap noong 1846, nang mag-isyu si Spanish Governor-General Narciso Claveria ng kautusan laban sa mga palaboy, kung saan inatasan ang mga provincial authorities na kalapin ang mga idlers at bigyan ng trabaho sa public works sa loob ng isang buwan at pauwiin sa kanilang sariling probinsya.

Hindi naman magpapahuli ang isang Spanish-Fili­pino na si Paulino Alcántara Riestrá (7 October 1896 – 13 February 1964) na naging sikat na football player bilang forward at manager na rin. Tumira siya sa FC Barcelona at ini-represent ang Catalonia, Pilipinas at Spain

Sa taong 1935 naman, isinilang si Gerardo P. Sicat, chief economic planner ni dating Pres. Ferdinand Marcos, sa San Fernando, Pampanga.

Taong 1942, inambus ng mga gerilyang Cebuano sa pamumuno ni Major James Cushing ang nga Hapon sa Lawaan, Minglanilla.

Isang pangyayari noong 1999 ang naganap, nang libo-libong pamilya sa northern regions ng Pilipinas sa Luzon ang naapektuhan ng matinding pagbaha dahil sa Habagat.

Sa panahon ng milen­yo, taong 2005, kinasuhan sa New Jersey si Leandro Aragoncillo, 46, isang 21-year Marine veteran na na­ging FBI intelligence analyst, dahil sa pagpapasa ng classified information tungkol sa mga lider ng Pilipinas sa mga dating opisyal nito.

Sa taong 2012, sinabi ni Philippine president Benigno Aquino III na nagkaroon na sila ng preliminary peace agreement sa pinakamalaking Muslim rebel group na matagal nang problema ng bansa. Sa araw ding ito, matapos ang 15 taong negosas­yon, nagkasundo ang gobyerno at MILF na magkaroon ng Framework Agreement sa pangunguna ni President Benigno Simeon Aquino III. Aniya, “it symbolizes and honors the struggles of our forebears in Mindanao” and “celebrates the history and character of that part of our nation.”

Noong 2016, ina­resto ng Philippine security forces ang tatlong lalaking pinaghihinalaang nasa likod ng pag-atake sa isang palengke malapit sa bahay ng pangulo, at napag-alamang kasapi sila sa isang militanteng Islam.

Nang sumunod na taon, 2017, isang Filipino doctor ang inaresto at inakusahang nagpaplano ng terror attacks sa United States.

Marami pang naganap na pangyayari ngunit hindi na sapat ang pahina. Hanggang sa muling isyu. — LEANNE SPHERE

Comments are closed.