KAKAIBANG PASTA: PATOK SA PANLASA NG PINOY

PASTA-7

(ni CS SALUD)

IBA’T IBANG klase ng pasta ang kinahihiligang lutuin ng bawat Filipino sa panahon ngayon. May iba’t ibang sangkap nga naman na maaaring gamitin nang makapagluto ng kakaiba at katakam-takam na pasta.

Bukod nga naman sa white sauce pasta, usong-uso na rin ang salted egg pasta, Spanish sardines pasta, tomato sauce pasta at marami pang iba.

Kumbaga, ano pa mang budget ang mayroon ka ay makagagawa ka ng pasta na swak hindi lamang sa buong pamilya gayundin sa mga bisita at kaibigan.

Karaniwan na nga naman nating inihahanda ang pasta—mayroon mang okasyon o wala. Bukod nga naman sa masarap ay paboritong-paborito pa ito ng kahit na sino. Madali lamang din itong lutuin. Higit sa lahat, napakaraming bersiyon sa paggawa nito. Ilan sa mga bersiyon ng pasta ay ang mga su-musunod:

BLACK BEAN AND SAUSAGE PASTA

Kung mahilig kayo sa sausage, isa sa mainam na subukan o lutuin ang Black Bean ang Sausage Pasta.

Simpleng-simple lang ang paggawa nito. Kagaya lang din ito sa pagluluto ng iba’t ibang pasta na natitikman natin sa bahay man o mga restaurant. Ang kaibahan lang nito ay ang main ingredients na sausage. At para rin mas sumarap pa ito, samahan lang ng black beans at tiyak na mahuhuli mo ang lasang hinahanap-hanap ng iyong buong pamilya.

Simpleng-simple lang din itong lutuin kaya’t kahit na nagmamadali kayo ay makapaghahanda pa rin kayo ng masarap para sa buong pamilya. Swak na swak din itong ihanda kapag holiday.

CREAMY GARLIC BUTTER PASTA

Isa pang klase ng pasta na napakasarap subukan at ihanda sa pamilya man o bisita ang Creamy Garlic Butter Pasta.

Sa paggawa nito, ang kailangan mo lang ay ang pasta noodles (kahit na anong klase rin ng noodles ay puwedeng gamitin sa recipe na ito), garlic, flour, milk at butter. Kailangan lang din ng pampalasa gaya ng asin at paminta. Puwede rin itong samahan ng basil leaves.

Kagaya rin ng ibang pasta, ganoon lang din ang pagluluto nito. Ang kaibahan lang din ay ang mga sangkap na gagamitin sa paggawa ng natu­rang pasta.

Kaya’t kung mahilig ang pamilya sa creamy na pasta., swak na swak su­bukan ang Creamy Garlic Butter Pasta.

PASTA AMATRICIANA

Kakaiba naman ang Pasta Amatriciana, hindi lamang sa pangalan kundi maging sa panlasa. Ang mga sangkap naman sa pagagawa nito ay ang lin-guine pasta, chopped fresh tomatoes, balsamic vinegar, chopped bacon, garlic, bell pepper flakes, cheese, salt at pepper.

CHICKEN FAJITA PASTA

Sa mga chicken lover naman, swak na swak naman ang pagluluto ng Chicken Fajita Pasta. Kakaiba rin ang pangalan nito pero swak na swak ito sa panlasa ng kahit na sino.

Ang main ingredients naman natin sa ganitong klase ng pasta ay ang chicken.

Kumpara sa mga naunang recipe, ito naman ang may pinakamara­ming sangkap. Ang mga kakailanganin sa paggawa nito ay ang cooking oil o olive oil, boneless chicken breast, taco seasoning, sibuyas, bawang, bell peppers, chicken broth, heavy cream, hiniwa-hiwang kamatis, asin, paminta at penne pasta.

Igigisa at pagsasamahin alng din ang mga sangkap, timplahan at puwede nang ihanda sa buong pamilya.

Ganoon lang kasimple at mayroon ka nang panibagong maihahanda buong pamilya. At kung nag-iisip ng katakam-takam na lulutuin ngayong papa-rating na Pasko, swak din itong subukan. Tiyak na maiibigan ito ng kahit na sinong makatitikim.

Hindi nga naman kailangang mahal ang mga sangkap sa pagluluto para masabi nating masarap ito at kakaiba. Marami pa ring sangkap o ingredients na bukod sa mura at madalas na ginagamit ay nagiging daan upang maging espesyal ang isang lutuin. Gaya na nga lang ng mga kakaibang pasta na ibi-nahagi namin sa inyo. Sa sarap nito, babalik-balikan ito ng kahit na sinong makatitikim. (photos mula sa thespicedlife, thechunkychef.com)

Comments are closed.