KAKAPUSAN SA TUBIG HINDI MANGYAYARI- NWRB

WALANG inaasahang malawakang kakula­ngan sa tubig sa Metro Manila.

Ito ang tiniyak ni Dr. Sevillo David Jr., Executive Director ng National Water Resources Board (NWRB), walang pagbabago sa alokasyon ng tubig mula sa Angat Dam.

Bunsod nito, hindi naman inaasahan ang pagbabawas ng alokasyon ng tubig sa Kalakhang Maynila.

Sinabi ni David na nakatulong din kahit papaano ang manaka-nakang pag-ulan na naranasan nitong nakalipas na araw kung kaya’t hindi masyadong mabawasan ang tubig sa Angat Dam.

Gayunpaman, ani David na ngayong Linggo ay inaasahan sisimulan ang cloud seeding operations para makatulong sa Angat Dam. BETH C