KAKULANGAN NG PLAKA, PLASTIC LICENSE CARDS HAMON SA BAGONG LTO CHIEF

IPINAHAYAG ni Atty. Hector Villacorta, bagong Officer-in-Charge ng Land Transportation Office (LTO) na kaniyang ipaprayoridad ang problema sa plaka at plastic cards na lisensya.

Sa press briefing nitong Miyerkules, sinabi ni Atty. Villacorta, kasama sa marching order sa kanya ni Transportation Sec. Jaime Bautista ang magsagawa ng physical at financial inventory sa buong ahensya sa loob ng 15 araw upang malaman ang status sa ngayon ng LTO.

Inanunsyo ni Atty. Villacorta na ongoing na ang bidding process para sa procurement ng license cards at sa oras na lumabas na ito ay magiging prayoridad sa unang tranche ang mga OFW.

Kaugnay nito, tiniyak rin ni Atty. Villacorta na ipagpapatuloy nito ang mga magandang inisyatibo ni outgoing Asec. Jayart Tugade sa ahensya.

Pormal na uupo sa pwesto bilang LTO OIC si Atty. Villacorta simula ngayon, June 1 matapos magbitiw si Tugade. BENEDICT ABAYGAR JR.