KAKUTSABA NG ISIS WAWAKASAN NA

Defense-Sec-Delfin-Lorenzana

CAMP AGUINALDO – PUNTIRYA ng Department of National Defense (DND) na wakasan na ang aktibidad ng mga kaalyado ng ISIS.

Ito ang inihayag kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kaugnay sa aktibidad ng pailan ilang Daesh ISIS sa Mindanao.

Aminado ang kalihim na bahagya silang nahihirapan sa pagtunton sa napakaliit na grupo lalo na ang remnants ng ISIS inspired Maute terror group at Isis influenced Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na nasa Central Min­danao.

Ayon kay Lorenzana, determindao ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na durugin din ang na­lalabing Abu Sayyaf na nagkakanlong sa Jolo, Sulu na may hawak pang siyam na bihag.

“I think there are about 9 hostages still being kept by them, so we’d like to recover these hostages as soon as possible sana,  so that wala na tayong mga sinasagot sa mga nagtatanong, mga relatives nitong mga hostages,” ayon sa kalihim

Subalit nilinaw ng kalihim na kumpiyansiya ito na hindi na mauulit ang naganap na Marawi Siege. VERLIN RUIZ