Ang kalabasa
Sagana sa bitamina A
Pampalinaw ng mata
Para madaling kumopya
Pampataas ng marka
Ang kalabasa
KALABASA ng buhay! Tinatawag na Squash Golden, at may scientific name na Cucurbita maxima, ay isang uri ng gulay na maitatanim at maani kahit saan sa loob lamang ng 80 days matapos itanim.
Kilala bilang kalabasa sa Pilipinas, napakasarap nitong ulam at pwede ring dessert. Ang bulaklak at talbos, pati na ang maliliit na bunga ay pwedeng gawing dinengdeng, bulanglang o ginisa na hahaluan lamang ng konting karne ng baboy, inihaw ba isda o hipon at isasama at iba pang gusto mong gulay.
Mayaman ito sa B-carotene, lutein, vitamin C, dietary fiber at phenolic compounds, na napakahalaga sa ating kalusugan. all of which are important for human health. Squash is also considered to be very rich in beta-carotene, Vitamin A, and Vitamin C, at may calcium pa at iron pero mababa ang calories.
Masarap ang ginataang kalabasa with SPAM at kalabasang okoy. Aba, pwede ring kalabasa flan kung gusto mo ng dessert. Pwede siyang appetizer, soup, salad, main dish at dessert, ano pa ang mahihiling mo? Napakamura pa!
Syanga pala, ang bulaklak ng kalabasa (flor de calabaza) ay pwedeng gamitin sa quesadillas, empanadas at iba pang Mexican cuisine. Hindi lamang mga Pinoy ang may gusto duito kundi maging ang mga taga-ibang bansa.
Ang ginataang kalabasa, tinatawag ding kalabasa sa gata, ay Filipino vegetable stew na may kahalong gata ng niyog, hipon at iba ang spices. Nilalagyan din ito ng sitaw at bagoong alamang na pampalasa. Pwede rin namang pampalasa ang patis.
Kung sa minatamis naman, hindi lamang kalabasa flan ang pwedeng gawin. Pwede rin ang kalabasa halaya – parang halayang ube, pero kulay dilaw. Hinahaluan ito ng gata ng niyog, at gatas na kondensada – at napakarami nitong health benefits.
Dati raw, damo lamang ang kalabasa na tumutubo sa kung saan-saan at hindi pinapansin sa Central America at Mexico. Malamang na ang ga friars ang nagdala ng kalabasa sa Pilipinas nang ipatapon sila dito noong panahon ng mga Kastila. Sa ngayon, ito na ang isa sa pinakamahalagang gulay sa buong bansa. Kalahating tasa lamang ng kalabasa ay sapat na upang makuha ag pang-araw-araw na Vitamin A requirement. Hindi pa kasama dito ang ibang bitaminang nabanggit na.
Botanically speaking, prutas ang kalabasa dahil may buto, at nade-develop mula sa mula sa bulaklak. Gayunman, hindi siya matamis at hindi nakakain ng hilaw kaya kinukunsidera itong gulay. Kaya kumain tayo ng kalabasa – ang gulay na kumpleto sa bitamina. NLVN