MAGBABALIK si Asi Taulava sa NLEX Road Warriors para sa PBA Governors’ Cup na lalarga bukas, Disyembre 8.
Isinama ng Road Warriors ang Filipino-Tongan big man sa kanilang 15-man lineup para sa import-laden conference. Si Taulava ay inilagay ng koponan sa reserve list sa nakalipas na Philippine Cup.
Sinabi ni NLEX head coach Yeng Guiao na umaasa ang koponan na mabibigyan ang veteran cager ng angkop na sendoff sa matagumpay na career nito.
Si Taulava ay naging Most Valuable Player, one-time champion, 17-time All-Star, at niyembro ng PBA’s 40 greatest players list.
“We want to be able to give him a good sendoff,” pahayag ni Guiao sa Sports Desk ng CNN Philippines. “He’s in pretty good shape for a guy who’s 48 years old.”
“He gives us 5-6 quality minutes every game just to relieve our bigs,” dagdag pa ng NLEX mentor.
Si Taulava, nasa kanyang ika-22 season sa liga, ay kakailanganin ng NLEX sa shaded area dahil hindi makakasama ng koponan ang dalawa sa young big men nito sa unang ilang laro. Si Raul Soyud ay nagpapagaling pa sa knee surgery habang si Kris Porter ay nagrerekober mula sa Achilles injury. Inaasahang babalik sila sa loob ng dalawang linggo.
Ani Guiao, magandang pamasko sa PBA fans ang muling mapanood si Taulava sa hard court
“For the fans to see Asi again, that would be a nice pandemic Christmas gift to the fans,” aniya.
Sisimulan ng Road Warriors ang kanilang kampanya sa Governors’ Cup laban sa San Miguel Beermen sa Dec. 8 sa Ynares Arena sa Pasig City. CLYDE MARIANO