KALABOSO SA AABUSO SA TRAIN LAW

CAMP CRAME – KIKILOS na rin ang Philippine National Police (PNP) kontra abusadong negosyanteng ginagamit ang umiiral na TRAIN (Tax Reform for Acceleration and Inclusion)  law para makapagsamantala at  makapagtaas ng presyo ng bilihin.

Ang hakbang ay  bilang pagtalima sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang mga abusadong negosyante.

Sinabi ni PNP Chief Dir. Gen Oscar Albayalde, tutugon ang pulisya sa kampanya ng pangulo sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga aksyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ang BIR, aniya, ang pangunahing ahensyang nakatuon sa pagbubuwis at may hurisdiksyon din sa usapin ng TRAIN law.

Gayunman, ipinaliwanag ni Albayalde na ang magiging papel lamang ng PNP ay magbigay ng suporta at pag-aksyon sa mga gawain ng BIR na may kinalaman sa seguridad at police matters tulad ng paghabol sa mga negosyanteng nagsasamantala gamit ang nasabing reporma sa pagbubuwis.            EUNICE C.

Comments are closed.