HINILING ni Senadora Cynthia Villar sa pamahalaan ang agarang pagtugon sa kalagayan ng mga stranded na manggagawa at mga nawalan ng trabaho na nakararanas ng gutom at stress dahil rin sa malayo sa kanilang pamilya.
Kaya’ t panawagan ni Villar na buksan na ang sektor ng konstruksyon, agrikultura at manufacturing na kung saan maraming mangagawa rito ang lubhang naaapektuhan ng community quarantine.
“I agree with those who say that there is a “humanitarian crisis in the making” in the current situation of those laborers who are not only stranded in their workplaces away from their families, but cannot help themselves and their families since they have no source of income. It’s doubly difficult for them,” ayon kay Villar.
Bukod sa panawagang makauwi rin sa kanilang mga bahay sa lalawigan ang mga stranded na manggagawa, ipinanukala rin ng senadora na dapat silang bigyan ng opsiyon na makabalik sa kanilang trabaho.
“Many of them would rather stay here and continue working to provide for their families. So, those are willing to stay should be allowed to work,” dagdag pa niya.
Ayon kay Villar, nagagalit na ang mga tao at nababalisa na maaaring maging sanhi ng social unrest.
Dahil dito, kailangang agad na kumilos para maibsam ang paghihirap ng mga manggagawa at kanilang pamilya. VICKY CERVALES
Comments are closed.