KINUMPIRMA ng Philippine Army (PA) na kalahati ng mga miyembro ng rebeldeng grupo sa lalawigan ng Iloilo ay pawang mga menor de edad.
Ayon kay Lt. Col. Joel Benedict Batara, commander ng 61st Infantry Battalion ng PA, base sa monitoring na lumalabas ay nasa 50 hanggang 60 porsiyento na na-recruit ng teroristang grupo ay mga nasa junior at senior high school.
Ayon kay Batara, nagiging estratehiya ng mga rebelde ang pag-engganyo sa mga estudyante sa pagsagawa ng mga aktibidad ng mga school organization na pinapalabas na nakasentro sa youth activism upang hindi malaman na ginagamit sila ng mga rebeldeng grupo.
Gayunpaman, naniniwala rin si Batara na propaganda lang ito ng mga rebelde upang magkunwaring malakas pa rin ang kanilang puwersa.
Napag-alaman na limang bayan sa lalawigan ng Iloilo ang mahigpit na binabantayan ng militar dahil sa recruitment ng New People’s Army sa mga estudyante na kinabibilangan ng bayan ng Tubungan, San Joaquin, Miagao at Igbaras sa unang distrito; at bayan ng Leon sa ikalawang distrito ng Iloilo.
Comments are closed.