NAIBALIK sa may ari ang tinatayang aabot sa mahigit sa kalahating milyong piso na pinaniniwalaang nahulog ng isang Korean national noong April 13 sa East bridge ng Ninoy Aquino International Airport terminal 1.
Ayon sa impormasyon, napulot ang pera ni Victor Perez, porter /pushcart retriever habang naglalakad sa bahagi ng tulay nang mapinsan niya ang bag na naglalaman ng isang daang pirasong 100 US dollar bill, laptop, smartphone at gold necklace.
Agad namang nai-turn over sa mga tauhan ng Lost and Found Department ng NAIA terminal 3 ang naturang halaga.
Binigyan ng parangal si Perez ng Manila International Airport Authority (MIAA) bilang pagpupugay sa kanyang katapatan sa tungkulin. Froilan Morallos