KALAYAAN APELA NG PAMILYA NI JASON IVLER

MAY ulat at usap-usapan  ang nakaambang paglaya ni  Jason Ivler na sangkot sa pagpatay kay Renato Ebarle Jr. noong 2009.

Matatandaan na si Ivler ay hinatulan ng 40 taong pagkabilango ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 84 noong Nobyembre , 2015.

Kinatigan naman ng Court of Appeals ang desisyon ng RTC Branch 84 laban kay Ivler noong Nob­yembre,  2017. Maliban sa 40 taong pagkabilango, sinang-ayunan din ng CA at itinaas pa ang multa at danyos.

Iniangat naman sa Supreme Court ang desisyon at agad itong ibinasura ayon sa resolusyon na inilabas nitong Disyembre, 2019 dahil sa wa-lang me­rito at kulang sa substance ang apela para ma rebisa ang desisyon at pinatawan pa ng mas malaking danyos na umabot sa halagang P10 milyon.

Base sa nakalap na impormasyon, muling umapela ang pamilyang Ivler  na kasalukuyang nakabinbin pa rin sa Supreme Court kung saan masusing idinetalye ng kanyang mga abogado kung bakit ibaba sa “homicide” at hindi “murder” ang hatol kay Ivler.

Sa panayam kay Labor Undersecretary Renato Ebarle, ama ng biktima— “alam ko na may mga hakbang silang ginagawa (Ivler) pero naniniwala pa rin ako sa judicial system ng ating bansa—may hustisya”. Dagdag pa ni Usec. Ebarle, bibisitahin niya si Chief Justice Diosdado Peralta ng Supreme Court at Department of Justice Secretary Menardo Guevarra.

Napag alaman din na may nakabinbin pang asunto kay Jason Ivler at hinihimok na kasuhan na ito agad matapos makipag barilan sa mga NBI agent. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.