‘Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan’

IPINAGDIRIWANG ngayong araw, June 12, ng sambayanang Pilipino ang ika-126 Araw ng Kalayaan ng bansa.

Ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay ‘Kalayaan, Kinabukasan at Kasaysayan’.

Karaniwan na kapag ganitong okasyon ay may programa ang pamahalaan sa iba’t ibang makasaysayang lugar o bantayog.

Pinakapuso ng selebrasyon ay sa Independence flagpole, Jose Rizal Monument, Rizal Park, Manila kung saan mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mangunguna habang makakasama niya sina National Historical Commission of the Philippines (NHCP) NHCP Chairperson Lisa Guerrero Nakpil at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr.

Magkakaroon din ng Parada ng Kalayaan na magsisimulas alas-3 ng hapon ngayong araw kung saan tampok ang paglaban ng ating mga ninuno para makamit ang kalayaan.

Hindi lamang sa Rizal Park iseselebra ang Araw ng Kalayaan, dahil sabay din itong gugunitain sa Dambanang Emilio Aguinaldo sa Cavite, Barasoain Church Historical Landmark sa Malolos City, Bulacan, Pinaglabanan Memorial Shrine sa San Juan City, Mausoleo delos Veteranos dela Revolucion sa Manila North Cemetery, Andres Bonifacio National Monument sa Caloocan City, at Museo ng Kasaysayang Panlipunan ng Pilipinas sa Angeles City, Pampanga.

Magkakaroon din ng flag-raising rites sa lahat ng 28 NHCP museums at local government units sa buong bansa.

Ilan lamang ito sa tampok na kaganapan sa Araw ng Kalayan at inaasahan na ang iba’t ibang local government units ay may inihanda para alalahanin ang kasaysayan kung paano nakamit ang kalayaan na ating tinatamasa.