CAGAYAN – DAHIL sa patuloy ang malawakang pagtaas ng petrolyo sa ating bansa, kailanggan na nating muling ibalik ang nakaugalian at pang-turismong sasakyan, ang kalesa at kabayo.
Ito ay upang makaiwas ang mga pasahero sa mataas na pamasahe at makatipid naman ang mga motorista.
Sa Tuguegarao City, ang mga tricycle driver ay mga ‘’English Speaking’.
Kapag sumakay sa kanilang sasakyan na nag-iisa at nalamang dayo ka, ang kanilang itatanong ay “Ma’am/Sir capacity or double?”
Sobra ang singil ng mga mapagsamantalang mga tricycle driver sa lugar, kaya ang panawagan ng mga sumasakay sa mga opisyales ng Lungsod ng Tuguegarao, na resolbahin ang problema ng mga mananakay.
Sa sobrang singil ng mga pumapasadang tricycle, nananawagan din ang mga residente kay City Mayor Jeferson Soriano na tulungan ang problema ng mga mananakay sa inyong nasasakupan. IRENE GONZALES
Comments are closed.