INILUSAD ng Police Regional Office 3 ang Kaligtasan at Kalikasan (Kaligkasan) Volunteer Program sa pangunguna ng Philippine National Police (PNP)-Police Community Affairs and Development Group sa Camp Olivas, San Fernando City, Pampanga nitong Biyernes.
Sa ilalim ng “Kaligkasan” program, kumukuha ng local volunteers upang matiyak ang seguridad at proteksiyon sa kapaligiran ng mga destinasyong pangturismo sa buong Rehiyon 3.
Mahigit 500 Kaligkasan volunteers mula sa iba’t ibang lalawigan at lungsod ang nanumpa kay DENR 3 Assistant Regional Director Arthur Capuyon Salazar na maging environmental law enforcers sa kanya-kanyang lugar.
“Layunin ng ating ‘Kaligkasan’ na pag-isahin ang ating pulisya at ang komunidad upang suportahan ang adbokasiya ng ating pamahalaan na protektahan at pangalagaan ang ating kapaligiran at mga likas na yaman kasabay ng ating pagbibigay seguridad sa ating mga turista,” ayon kay PRO3 Deputy Regional Director for Administration Pbrig. Gen. Leonardo Cesneros. A. BORLONGAN
Comments are closed.