KALIGTASAN, LAGING ISAISIP SA TUWING MAGMAMANEHO

patnubay ng driver

GOOD day mga kapasada!

Kaligtasan, iyan ang dapat nating laging isaisip kapag tayo ay magmamaneho. Alam naman nating maraming peligro ang dulot ng pagmamaneho—umuulan man o hindi—lalo na kapag hindi tayo naging maingat.

Hindi na mabilang ang mga problema o sakunang nangyayari sa kalsada gaya ng banggaan, pagtatalo ng mga driver, nasiraan ng sasakyan at marami pang iba.

At para mapanatili ang kaligtasan at maiwasan ang kapahamakan, isang susi ay ang pagiging handa sa ano mang oras at pagkakataon. Ilan sa mga kailangang isaisip sa tuwing magmamaneho ay ang mga sumusunod:

DRIVING-1MAG-FOCUS SA PAGMAMANEHO

Mag-focus, iyan ang isa sa dapat nating isaalang-alang sa tuwing magmamaneho tayo ng sasakyan. Ang kawalan ng focus sa pagmamaneho ay maraming problemang maaaring idulot.

Kaya naman, ituon ang buong atensiyon sa pagmamaneho. At alisin na muna ang mga alalahanin gaya ng problema sa bahay at kung ano-ano pa.

PANATILIHING MALUSOG ANG  PANGANGATAWAN

Kailangan ding napananatiling malusog ng isang driver ang pangangatawan nang magampanan niyang mabuti ang kanyang gawain gaya nga ng pagmamaneho ng maayos.

Sa pamamagitan din ng pagiging malusog ng driver ay magiging mabilis din ang kanyang pagdedesisyon at magi­ging listo ito sa kalye.

IWASAN ANG OVER SPEEDING

OVER SPEEDINGLahat naman ay gustong makarating ng mas maaga sa kanilang pupuntahan. Ngunit hindi ibig sabihin niyon ay tutulinan mo na ang pagpapatakbo ng minamanehong sasakyang nang makara­ting lang sa oras.

Ang pagpapatakbo ng matulin ay hindi indikasyon ng pagiging magaling magmaneho o hindi ito nagpapatunay na higit na mabuti ang kanyang minamanehong sasakyan kaysa iba.

Isa sa nagiging dahilan ng kapahamakan ang overspeeding kaya naman, mabuting iwasan ang ganitong gawi.

IKONDISYON ANG KATAWAN BAGO MAGMANEHO

Mahalaga ring naikokondisyon ang katawan kapag magmamaneho lalo na kung malayuan ang pupuntahan. Para makondisyon ang katawan at isipan, magpahinga ng maayos at kumain ng healthy o masusustansiya.

IWASAN ANG PAG-INOM NG ALAK KUNG MAGMAMANEHO

DONT DRINKPagiging lasing o pag-inom ng alak kapag magmamaneho ang dapat nating iwasan. Maraming epekto ang pagmamaneho ng nakainom, gaya na lang ng mga sumusunod:

  1. ng pagkamanhid.
  2. blurred vision.
  3. mabagal na reaksiyon at
  4. kawalan ng focus

Kung wala sa wastong kondisyon ang isipan sa pagmamaneho, huwag nang isiping magmaneho pa nang maiwasan ang sakuna sa kalsada.

MAGDAHAN-DAHAN SA PAGMAMANEHO

Nararapat din ang pagdadahan-dahan sa pagmamaneho lalo na kapag gabi. Paano kung matulin ang takbo at may biglang tumawid sa harapan natin?

O kaya naman ay tumigil na  bigla ang sasakyang nauuna sa atin at hindi ito nakagamit ng brake lights; at dahil nga sa gabi at hindi sigurado ang paningin natin ay ina­akala pa rin nating tumatakbo pa ito.

Kung mabagal ta­yong magmaneho, may pagkakataong makita  natin ang tumitigil sa unahan. Pero kung mabilis tayo siguradong tutumbukin natin sila.

IWASAN ANG PAKIKIPAGTALO SA KALSADA

Iwasan ang road rage o pag-init ng ulo sa kalsada at ang pakikipagtalo sa mga kapwa driver o sa mga pasahero.

Ang matinding pag-init ng ulo ay madalas na nauuwi sa pabayang pagmamaneho, kakulangan ng atensiyon, at pakikipag-away sa kap­wa motorista o mga tumatawid (pedestrian) na nagreresulta ng traffic accident.

PLANUHIN ANG MGA LAKAD O PUPUNTAHAN

Ang wastong pagpaplano sa pupuntahang destinasyon bago magsagawa ng paglalakbay, hindi lamang ito makakatipid sa oras, effort, at fuel kundi makatutulong din ito sa pagbawas ng traffic congestion gayundin ng carbon emission.

Ang pagpaplano rin kung saan patutungo sa takdang araw ay hindi lamang makababawas sa oras ng paglalakbay kundi ito ay makatitiyak pa rin sa pook na pupuntahan sa takdang oras at panahon.

IWASAN ANG PAGTE-TEXT O PAGGAMIT NG CELLPHONE O GADGET

DONT TEXT AND DRIVELahat na nga naman ng tao sa panahon ngayon ay nawiwili sa paggamit ng gadget o cellphone. Kung minsan nga naman ay hindi natin maihiwalay ang paningin sa screen ng cellphone o gadget.

Kapahamakan ang dulot nito kaya naman, kung magmamaneho ay itabi o itago muna ang mga cellphone o gadget nang hindi mawala ang konsentrasyon sa kalye.

Itinatadhana sa Anti-Distracted Driving Act na nagkabisa noong Mayo 18, 2017 na nagbabawal sa mga nagmamaneho ng sasakyan na gumamit ng mga communication device at iba pang uri ng electronic entertainment and computing gadgets samantalang gumugulong sa lansangan if temporarily stopped on a traffic light lalo’t higit sa mga intersection.

Ayon sa batas, lahat ng mga nagmamaneho ay bawal tumawag, pagpapadala ng text, paglalaro ng mobile games, panonood ng palabas, pagbabasa at pag-browse sa internet.

SIGURADUHING NAKA-LOCK ANG SASAKYAN SA LAHAT NG ORAS

LOCK CARHabang bumibiyahe rin ay siguraduhin nating naka-lock ang pintuan at bintana ng sasakyan. Hindi natin alam kung anong puwedeng mang­yari kaya’t mainam na ang nag-iingat.

At isa nga sa pag-i­ingat na maaaring gawin ay ang pagsigurong nakasara o naka-lock ang pinto at bintana nang minamanehong sasakyan.

KAUNTING KA­ALAMAN – Upang  ma­katiyak ng magandang kondisyon ng sasakyan, kailangan ang regular na check-up sa isang mahusay o may kakayahang meka­niko, upang malinisan ng husto at makumpuni kung may sira o problema.

Responsibilidad ng drayber ang ikondisyon ang sasakyan sa lahat ng sandali upang maiwasan at maging panatag at matiwasay ang kalooban habang nagmamaneho.

LAGING TATAN­DAAN: Umiwas sa aksidente upang buhay ay bumuti.

HAPPY MOTORING!

Comments are closed.