KALIGTASAN NG INFRA SA QUAKE-HIT AREAS SA MINDANAO PINATITIYAK SA DPWH

INATASAN ni Senate Public Works Committee Chairman Senator Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na agad na magpadala ng kanilang mga tauhan upang inspeksiyunin at matiyak na ligtas ang mga imprastraktura sa General Santos City at iba pang bahagi ng Southern Mindanao na niyanig ng magnitude 6.8 eathquake noong Biyernes ng hapon.

Ang undersea tectonic quake ay naganap sa lalim na 72 kilometers at 34 km sa hilagang kanluran ng Sarangani Island sa Davao Occidental, bandang alas-4:14 ng hapon.

“While there are only minor damage apparent now, it is important to ensure that no structural damage were sustained by buildings and bridges, kaya nga agad nating inatasan ang DPWH na siguruhing ligtas ang mga struktura,” paliwanag ni Revilla.

Iginiit din ng senador na magsagawa ng tuluy-tuloy na assessment sa lahat ng mahahalagang pampublikong imprastraktura sa buong bahagi ng bansa upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.
VICKY CERVALES