KALIGTASAN NG MGA BATA SA SASAKYAN

patnubay ng driver

GOOD day mga kapasada!

Ganap ng naging batas matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang taon, 2019, ang isang batas na tumitiyak sa kaligtasan ng mga bata na nakasakay sa pampribadong sasakyan. Ito ay ang RA No. 11229 o ang Child Safety in Motor Vehicles Act. Ang natu­rang batas ay nagbibigay ng ibayong proteksiyon sa mga batang may edad na 12 at pababa kapag lulan ng sasakyan sa pamamagitan ng child restraint system.

Ang Child Restraint System ay dapat na angkop sa:

a. edad (age)
b. tangkad (height) at
c. timbang ng bata (weight).

Child SafetyLayunin nito na makatiyak na makauupo ang bata ng maayos sa loob ng sasakyan at maiwasan ang an-umang injury sakali mang magkaroon ng traffic accident ang sinasakyan.

Isa sa cardinal rule na binibigyan ng diin sa RA No. 11229 na bawal na bawal iwanang mag-isa ang bata sa loob ng sasakyan.

Hindi rin maaaring umupo ang mga bata sa harapan ng sasakyan katabi ng driver maliban na lamang kung may tangkad (height) na 56 na pulgada at kasya na ito sa regular na seatbelt.

PARUSA SA LALABAG SA BATAS

Itinatadhana sa ba­tas na ang sinumang lalabag ay mapapatawan ng Php1,000 sa ­unang paglabag (of-fense); Php2,000 sa ikalawang paglabag at Php5,000 sa ikatlong paglabag at ka­ragdagang suspensiyon ng driver’s license sa loob ng isang taon.

Sa kabilang dako, kaugnay nito, ipinag-utos naman ng Department of Trade and Industry (DTI) na mag-takda ng standard base sa United Nations Regulations sa klase ng child restraint system na magagawa, (manufacture), mag-­angkat (import) at magagamit sa Filipinas.

PAGLILINAW NG LTO SA SEAT BELT LAW

Nilinaw naman ng Land Transportation Office (LTO) na nauna rito ay mayroon na tayong Seat belt Law – RA 8750 na nagtatadhana na: “drivers and front seat passenger of public and private motor vehicles are required to wear or use seatbelt device while inside a running vehicle.”

Ayon sa LTO’s Law Enforcement Service, layunin ng naturang batas na mabawasan ang injuries and death in road accidents.

Gayundin, itinatadhana sa RA 8750 ang pagbabawal sa mga batang wala pang anim na taong gulang na paupuin sa front seat ng anumang running motor vehicle kahit na ang mga bata ay naka-seat belt (buckled up).

CHILD SAFETY IN MOTOR VEHICLES ACT

Suportado at sinasang-ayunan naman ni Agusto Lagman, Pa­ngulo ng Automobile Association of the Philippines (AAP), ang batas na sinasabing pinakadelikadong upuan sa isang sasakyan ay ang unahang upuan (front seat).

Sa kaparehong batas, nakatadhana na mayroong dapat na child restraint system gaya ng:

a. car seat
b. car bed

Ito ay para sa mga batang pasahero sa back seat bukod sa seat belt.

“When we say child restraint system that includes seat whether its facing forward or its facing back-ward,” pahayag ni Lagman.

Batay sa data ng World Health Organization (WHO), ang pagkakaroon ng child restraint equipment ay makababawas sa tiyansa ng pagkamatay ng mga batang nakasakay sa sasakyan ng humigit kumulang sa 70 porsiyento.

Ang mga mahuhu­ling lalabag sa batas ay pagmumultahin ng Php1,000 sa unang paglabag, Php2,000 sa ikalawang paglabag at Php5,000 at kanselasyon ng driver’s license sa ikatlong paglabag.

Hindi naman sakop ng bagong batas na ito ang public utility vehicles tulad ng mga bus, jeep, tricycle at mga kauring sasakyan. Kasangguni: RNT.

PAYONG PAGTITIPID NG GASOLINA

PAGTITIPID NG GASOLINAAng paiba-ibang presyo ng produktong petrolyo ay kailangan ang isang sistematikong solusyon gayundin ang problema sa trapiko na likha ng mga pasaway na motorista.

Sa panayam sa Service Mechanic ng Caltex service station sa kahabaan ng Sucat. Parañaque City, para makatipid sa konsumo ng gasolina sa mahabang paglalakbay, bago bumiyahe ay dapat tsikin ang mga sumusunod:

1. kondisyon ng fan belt
2. clutch at brake
3. gulong at
4. battery

Samantala, idinagdag ng kasangguni na tsiking mabuti kung may tagas sa lalagyan ng ga­solina at diesel, langis at tubig. Kung magbibiyaheng mag-isa, makabu­buting mag-commute na lamang para makatipid sa gasolina at sa oras.

TIPS PARA SA DRIVER NG SASAKYAN

Ayon sa kasangguni, mas mainam na:

1. Magpakarga ng gasolina sa umaga kaysa tanghali.
2. Umiwas sa trapiko sa pamamagitan ng paggamit ng alternate routes.
3. Iwasan ang big­laang arangkada o pagpapatuloy o pakikipagkarera sa daan.
4. Hangga’t maaari ay panatilihing katamtaman ang tulin ng sasak­yan upang maiwasan ang pabigla-biglang pagpreno na makakaaksaya ng gasolina.

Ipinaliwanag ng kasangguni na makatitipid ng 25% sa konsumo ng gasolina kung ibababa ang takbo mu-la 120 hanggang 80 kilometro kada oras, samantalang makatitipid naman ng lima hanggang 10% sa kon-sumo ng gasolina kung may sapat na hangin ang gulong ng sasakyan.

Kung may malayong lalakbayin sa panahon ng tag-ulan, ipinayo ng kasangguni na bawasan ang pag-gamit ng aircon.

Karagdagang load sa makina ang paggamit ng aircon at ito ay kumokonsumo ng mahigt sa 10% na gaso-lina kaysa pangkaraniwang takbo kung naka-on ang aircon.

MAGING ALERTO SA KALSADA

Ipinaliwanag ng kasangguni na ang sobrang karga o bigat na lulan sa sasakyan ay makadaragdag sa kon-sumo sa gasolina lalo na sa paakyat na daan sa kadahilanang malimit irebolusyon ng mataas ang makina para ito ay makaahon ng maluwalhati paakyat.

Iwasan na naka-idling ang sasakyan ng labis sa tatlong minuto; sa ganitong pagkakataon, dalawang litro ng gasolina o krudo kada oras ang nauubos.

PAGMAMANTINE NG SASAKYAN

1. Ugaliing ipa-check-up ang sasakyan upang maagapan at maayos ang kaunting diperensiya kung may-roon man.
2. Panatilihin ang anim na buwang pagitan bawat tune-up upang mapanatili ang magandang kondisyon ng engine.
3. Isarang mabuti ang lalagyan ng gasolina upang hindi sumingaw o tumagas.
4. Iwasan hangga’t maaari ang reverse gear maneuver lalo na sa pag-park ng sasakyan.

CHECKLIST NG ENGINE

1. Suriing mabuti kung malinis ang air filter.
2. Ugaliing palitan ang langis sa takdang panahon gaya ng nakasaad sa Manufacturer’s manual.
3. Siyasatin ang mga fan belt at tiyaking maayos, walang lamat at mahigpit ang pagkaka­kabit nito.
4. Pakiramdamang mabuti kung may kakaibang tunog ang makina at mahalaga ring inspeksyunin ang radiator hose at tiyaking walang bitak, punit o paglalambot.

KARANIWANG SANHI NG AKSIDENTE

Isa sa pangunahing sanhi ng aksidente ay ang pagpalya ng preno ng minamanehong sasakyan.

Ayon sa isang professional na mekaniko na nakapanayam ng pitak sa katauhan ni Jess Viloria ng Bilisario Compound sa Parañaque City, ang brake o preno ang siyang pinakamahalagang bahagi ng sasakyan.

Ang karaniwan aniyang sanhi ng aksidente sa sasakyan ay bunga ng mga depekto ng preno na hindi kayang kontrolin o pigilin ang tulin ng sasakyan.

Ang karaniwang sanhi ng aksidente ay ang pagpalya ng brake kung ito ay tinatapakan.

Sakaling pumalya ang brake, doblehin ang tapak sa clutch at ikambiyo ng reverse o paatras kung maaari.

Patayin kaagad ang ignition at dalhin ang sasakyan sa tabi ng daan upang maiwasang mabunggo ng ibang mga dumarating na sasakyan.

LAGING TATAN­DAAN: Umiwas sa aksidente upang buhay ay bumuti.
HAPPY MOTORING!

Comments are closed.