TINIYAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kakampihan ng Pilipinas ang Israel matapos atakehin ng militanteng Palestinian na Hamas.
Ginawa ni Pangulo ang pahayag sa pakikipagpulong kay Israeli Ambassador Ilan Fluss sa Malakanyang.
Pinasalamatan ng Pangulo ang pamahalaan ng Israel sa pag-rescue sa 20 Filipino na naipit sa gulo.
Kabilang sa mga nailigtas ng Israel Defense Forces (IDF) ang overseas Filipino workers (OFWs) mula sa bayan ng Kibbutz Be’eri na malapit na sa Gaza Strip kung saan sentro ang gulo.
Tiniyak ni Ambassador Fluss kay Pangulong Marcos na ginagawa ng Israel ang lahat ng paraan masiguro lamang ang kaligtasan ng mga Filipino.
Kamakailan sa selebrasyon ng “Jewish Year” or Taon ng mga Hudyo ay inihayag ng Jewish leader na ang Pilipinas at Israel ay magkakaroon ng mga “economic at defense” cooperation.
“In the coming new Jewish year, we are working on many economic and defense cooperation between our nations.This year, we are expecting a water roadshow, emergency response delegation, and agtech roadshow.We are also expecting a visit of Isral Asia Chamber of Commerce to the Philippines.Another event happening next month is the first Israel-Philippines Joint Economic Committee in Israel,” sabi ni Fluss.