KALIGTASAN NG STUDES TINIYAK NG MMDA

Mmda

TINIYAK  ni Manila Development Authority (MMDA) Traffic Discipline Office (TDO) – Enforcement head Atty. Victor Nuñez ang kanilang kahandaan na protektahan ang mga estudyante sa pagpasok nila ng eskuwelahan sa pagbabalik ng face to face classes sa Agosto.

Makikipagpulong ang MMDA sa school administrators, Parent-Teacher Associations (PTA), at local traffic bureaus sa National Capital Region para talakayin ang road safety checks sa school zones.

Bilin lang nito na ang kaligtasan sa mga lansangan ay responsibilidad ng lahat at ang MMDA ay handa sa pagpapatupad ng mga batas-trapiko katuwang ang Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Office (LTO), at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).