KALIGTASAN NG WORKERS VS COVID-19 TINIYAK NG DOLE

DOLE

TINIYAK ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kaligtasan ng mga manggagawa at empleyado sa gitna ng CO­VID-19 pandemic.

Sa pagdinig ng budget ng DOLE sa Committee on Appropriations, siniguro ng Bureau of Working Condition at Occupational Safe-ty and Health Center na tuloy-tuloy ang kanilang inspeksiyon sa mga workplace sa kabila ng health crisis.

Nauna rito ay nagpahayag ng pagkabahala si Gabriela Rep. Arlene Brosas na baka hindi na natututukan ang Occupational Health and Safety ng mga empleyado at mga manggagawa matapos na pansamantalang ihinto ang pag-iikot para inspeksiyunin ang mga estab-lisimiyento at mga kompanya.

Ayon kay Labor Asst. Sec. Ma. Teresita Cucueco, hanggang nitong August 20 ay nakapagsagawa na sila ng 48,000 inspeksiyon sa mga establishment at workplace katuwang ang DTI at LGUs.

Sinabi naman ni Occupational Safety and Health Center Director Noel Binag na patuloy rin ang ginagawang health and standard training ng ahensiya  sa mga empleyado ngunit ito ay ginagawa sa pamamagitan ng online at hindi face- to-face bilang pag-iingat sa pandemya.

Para sa taong 2021, nadagdagan ng P10 bilyon o umabot sa P27 billion ang hinihinging pondo ng DOLE kumpara sa P17.4-B  na 2020 budget.

Tumaas din sa P7.4 billion ang pondo para sa ilang attached agencies tulad ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa susunod na taon kumpara sa P1.6 billiona ngayong 2020 lalo pa’t maraming programa para sa pagpapauwi sa mga OFWs na apektado ng COVID-19 pandemic.  CONDE BATAC

Comments are closed.