KALIGTASAN SA PAGMAMANEHO NG MOTORSIKLO

patnubay ng driver

GOOD DAY mga kapasada!

Lumilitaw na mahi­git sa kalahati ng 6.2 mil­yong registered vehicles sa Filipinas noong 2009, mahigit na 3.2 milyon ang bilang ng motorsiklo, scooters o tricycles.

Ayon sa Global Road Safety Partnership (GRSP), ang motorsiklo ang pinaka-popular na sasakyan sa re-gion dahil bukod sa mura ito, mura lamang din ang pagmi­mintina.

Sa malaking bilang nito, hindi rin maiiwasang maging sanhi ito ng aksidente. Naging public health epi-demic na rin ito sa maraming bansa sa Asya kasama na ang Filipinas.

Ayon sa WHO, ang karaniwang dahilan ng aksidente sa motorsiklo ay ang mga sumusunod:

a. Speeding
b. Non-use of helmets.
c. risk-taking behavior at
d. drunk-driving

Taon-taon, tinatayang humigit kumulang sa 1,200,000 katao sa buong mundo ang namamatay sa mga aksidente sa sasakyan kasama na ang Filipinas! Kaya mahalagang matutunan natin kung paano mag-maneho nang maingat, alam ninyo iyon mga kapasada, hindi ba?

TIYAKING NASA KONDISYON KA AT ANG SASAKYAN

Iniulat ng Australian Journal of Social Issues (AJSI) na ang isa sa pinakamahalagang hakbang para mai-wasan ang aksidente ay magkaroon ng tamang disposisyon habang nagmamaneho.

Kaya naman dahil dito, kailangang siguraduhin ng drayber na nasa kondisyon ang katawan gayundin ang sasakyang imamaneho.

Ayon sa Land Transportation Office (LTO), ang galit, kabalisahan at maging ang pagiging excited ay mga emosyong nakaaapekto sa pagmamaneho na puwedeng mauwi sa sakuna.

Binigyang diin ng Land Transportation Office (LTO ) na hindi sapat na dahilan na maingat ang drayber, kailangan din na nasa kondisyon ang kaniyang sasakyan.

TIYAKING MAY KASANAYAN SA PAGMAMANEHO

MOTORSIKLO-5Ayon sa DOTr, habang lumulobo ang bilang ng mga mamamayan, partikular na sa papaunlad na mga bansa tulad ng Filipinas, dumarami rin ang bilang ng mga sasakyan.

Kaya makabubu­ting isaalang-alang ang dalawang bagay para makaiwas sa aksidente sa lansangan tulad ng:

PAGIGING ALERTO. Mag-ingat sa posibleng mga panganib sa kalsada sa iyong harapan at likuran, at ma­ging listo sa maaaring gawin ng ibang mga drayber – pati na ang posibleng maging mga pagkakamali nila.

MAG-INGAT SA MGA BLIND SPOT AT MGA PANGGAMBALA. Iwasang huwag umasa sa salamin lamang ng sasakyan, lumingon para makita ang nangyayari sa kapaligiran mo.

IWASAN ANG DISTRACTIONS. Iwasang gumawa ng kung ano-ano habang nagmamaneho – nak-aga­gambala ang pakikipag-usap sa telepono o ang paggamit ng cellphone o ng iba pang mga kauring gadyet.

At dahil mas malapit sa disgrasya ang mga nagmomotorsiklo, ayon sa Motorcycle Safety Foundation ay may dalawang hakbang na makatutulong sa mga ito para matiyak ang kaligtasan gaya ng:

MALINAW NA PANINGIN – Tiyaking lagi kang nakikita ng ibang motorista at malinaw ang iyong pani­ngin. Dapat laging nakabukas ang head light.

MAGSUOT NG ANGKOP NA DAMIT – Magsuot ng helmet at ng makapal na damit na madaling makita sa dilim para magsilbing proteksiyon.

MAGING ALERTO – Itanim sa isip na hindi ka nakikita ng iba, at mag-ingat sa pagmamaneho.

TIPS PARA MAPANATILING MAGANDA O NASA KONDISYON ANG MOTORSIKLO

I. MOTORCYCLE ENGINE OIL

MOTORSIKLO-6Change the engine oil at intervals of every 6 months o kaya sa bawat 3,000 miles na natakbo. Ang en-gine oil ay nakatutulong sa makina na mabawasan ang ingay, pagpapanatili sa iba pang parts of your engine cool and is a seal for pistons.

Sa pagpapalit o change oil, tiyakin na ang ipapalit na oil ay ayon sa sinasabi ng manufacturer’s manual upang makatiyak ng long life ng inyong engine.

II. MOTORCYCLE FUEL

Ang pagpapalit ng oil ay mahalaga sa sasakyan. Ang dahilan: sakaling gumamit kayo ng hindi tumpak na oil para sa iyong motorbike, mangangahulugan ng pagkakaroon ng malfunction ng engine na dahil sa paggamit ng mataas na uri ng fuel.

May mga pagkakataong gumagamit ng high octane oil sa kagustuhan ninyo na lumakas ang perfor-mance ng engine, ngunit bad ang consequence na idudulot nito.

III. MOTORCYCLE FLUIDS

Sa pagpapalit ng inyong motorcycle fluids ay lubhang mahalaga ang pagsangguni sa manufacturer’s manual, lalo na kung ang inyong motorcycle ay still under warranty.

Ang paggamit ng maling fluid, tulad ng automobile oil sa halip na ang gamitin ay ang inirerekomenda ng ma­nufacturer’s manual, na­ngangahulugan ito na magiging void ang inyong warranty.

Ang Manufacturer’s replacement fluids ay mabibili sa inyong mga local na tagapamahagi kaya iwasan ang gu­mamit ng ibang brand o uri ng fluids na inyong gagamitin.

IV. MOTORCYCLE CHAIN

Suriing mabuti ang kadena ng inyong motorcycle dalawang beses isang buwan o every 500-700 miles na natakbo kung kayo ay hindi frequent rider o paminsan-minsang gumamit ng inyong motorbike.

Ang function ng iyong kadena ay upang ilipat ang power from the engine to the rear wheel.

Kailangang malinis ang kadena ng inyong motorbike and adjusted depende sa limit ng inyong paggamit upang mapapanatili ang ligtas na operasyon (safe operation).

Ang defective chain ay maaaring maging dahilan ng malfunction ng inyong motorbike and even injury to you bilang rider.

V. MOTORCYLE SPARK PLUG

Lubhang mahalaga ang papel na ginagam­panan ng spark plug sa performance ng inyong motorbike.

Kaya naman maha­laga na bago ninyo tanggalin ang spark plug sa engine ng inyong motorbike, ay bugahan ang butas na pinagtanggalan nito sa pamamagitan ng compressed air upang matanggal ang dumi at debris na maaaring mahulog sa engine when the plug is removed.

VI. MOTORCYCLE AIR FILTER

Kung ang filter ng inyong motorbike ay nabarahan ng dumi at alikabok, hindi makaka-hinga ng maluwag ang engine ng inyong motorbike.

Dahil dito, magreresulta ito ng loss of power at substandard performance.

Kaugnay nito, makabubuti na tanggalin ang air filter at inspeksiyunin ito sa anumang pagbabara.

Kung makitang ang filter ay mayroon ng depekto palitaan ito sa lalong madaling panahon upang mai-wasan ang iba pang problema.

TROUBLE SHOOTING NG MC

MOTORSIKLO-7Kung ayaw mag-start ang inyong motorcycle, kaagad tsikin kung ang engine ay properly grounded.

Madaling matutunton or you can do it yourself (DIY) kung mayroon kang kaun­ting kaalaman tungkol sa grounding ng engine nito.

Ang unang dapat gawin ay tsikin ang mga wires upang makita kung nakakonekta ba ito nang maayos.

Kalimitan, ayaw dumaloy ang koryente dahil sa corrosion at kalawang.

Tsikin ang ground strap gayundin kung wasto ang pagkakalagay ng wiring.

Kung ang engine ay rubber mounted, then it may have a strap connecting the engine and the frame as well. Tiyakin na ang koneksiyon ng mga ito ay wasto at malinis.

UMIWAS SA AKSIDENTE UPANG BUHAY AY BUMUTI.

HAPPY MOTORING!