INIENGGANYO ng Department of Tourism Cordillera Administrative Region (DOT-CAR) ang mas maraming mga kabataan na mag-engage sa farm tourism dahil layon ng ahensiya na mas lalo pa itong maitaguyod.
Masaya na ngayon ang pagsasaka sa Filipinas, ani Jovita Ganongan, DOT-CAR officer-in-charge, sa isang mensahe sa isang programa para sa mga magsasaka, kooperatiba, business sectos, senior citizen at civil society organization kamakailan.
“When we were in the elementary and when asked what we want to be in the future, nobody ever says he wants to be a farmer. This is probably be-cause we already know how difficult it is to be one. But with farm tourism being pushed, the life of farmers are elevated, they become teachers and men-tors too,” sabi ni Ganongan.
“This is a fusion of agriculture and tourism with the end view to provide additional income stream for our dear farmers and most of all to encourage our youth to go into farming,” dagdag pa niya.
Nagsalita siya tungkol sa importansiya ng pagsasaka at mga magsasaka na siyang nagpapakain sa mga tao.
“Other professions may be lost but not farming because at the end of the day, we will always look for food because we cannot eat our money,” lahad niya.
Sa paglalahad ng tungkol sa farm tourism, sinabi pa niya na ito ay “farm plus fun equals farm tourism.”
Para maging farm tourism site, kinakailangan na mabigyan ng tamang edukasyon tungkol sa pagsasaka at libangan para sa tourism purposes, dagdag pa rin ni Ganongan.
“It is an experiential tourism where visitors get the opportunity to have a first-hand experience on how to grow a particular agricultural product, har-vest them and for the same product to land on their meal-plate,” lahad pa niya.
Ang karanasan na makukuha ng mga turista ay iyong binabayaran nila, dagdag sa halaga na kinikita ng mga magsasaka.
“Through farm tourism, farmers do not only earn from selling their products but are also paid for sharing the experience and for the meal they serve which come from the farm,” sabi pa ng opisyal ng DOT.
Dagdag pa niya na sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ang farm tourism ay nabibigyan na ngayon ng mas maraming atensiyon.
Ang DOT-CAR ay patuloy sa accreditation ng farm tourist sites, kung saan ang mga kasali rito ay sinasanay para mapa-yagan sila na makuha ang standards at mabigyan ng magaling na serbisyo para sa mga kliyente, pagwawakas niya. PNA