KALINISAN NG LUNGSOD TUNGKULIN NG LGU AT MGA RESIDENTE

SINABI ni Manila Mayor Isko Moreno na ang pagpapanatili ng kalinisan sa lungsod ng Maynila sa lahat ng oras ay kapwa tungkulin ng lokal na pamahalaan at mga residente ng lungsod.

Tiniyak ni Moreno na tuloy-tuloy ang normal na operasyon sa lungsod kung saan mas pinaigting pa ang paglilinis sa mga mga kanto at kasulok-sulokan upang matiyak na walang basurang nagkalat o nakatambak.

Pinuri ng alkalde ang Department of Public Services (DPS) at Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa patuloy na cleanup operations na naging bahagi na ng kanilang araw-araw na gawain.

Ang DPS ay nakakolekta ng napakaraming basura at mga bahagi ng sirang gamit sa kahabaan ng Northbay Bridge mula Juan Luna Street hanggang Tayuman Street at hanggang Justice Abad Santos Avenue.

Gayundin, ang flushing operations na ginawa ng mga kawani ng MDRRMO sa paligid ng Recto at Divisoria araw-araw upang mataganggal ang mga nakadikit na dumi sa kalye na maaaring magdulot ng mga sakit.

“Muli, tayo ay nagpapasalamat sa mga kawani ng DPS at MDRRMO sa matiyaga nilang paglilinis sa iba’t -ibang sulok ng ating lungsod.

Huwag rin po nating kalimutan na bawat isa sa atin ay may responsibilidad na panatilihing maayos ang Maynila,”diin ng alkalde.

Umapela rin si Moreno sa lahat ng mga residente ng lungsod na gawin nila ang kanilang bahagi upang mapanatili ang kalinisan ng Maynila sa lahat ng oras sa pamamagitan ng pagtatapon ng basura sa tamang paraan at pagpapanatili ng kalinisan sa loob at labas ng kanilang mga tahanan. VERLIN RUIZ

7 thoughts on “KALINISAN NG LUNGSOD TUNGKULIN NG LGU AT MGA RESIDENTE”

  1. 402615 947868I discovered your web site internet site online and check many of your early posts. Maintain on the top notch operate. I just now additional your Feed to my MSN News Reader. Looking for forward to reading significantly much more from you obtaining out later on! 774318

  2. 10521 225333Hiya! awesome blog! I happen to be a everyday visitor to your internet site (somewhat far more like addict ) of this internet site. Just wanted to say I appreciate your blogs and am looking forward for far more to come! 903512

Comments are closed.