KALIWA DAM PROJECT TULOY

KALIWA DAM-2

SA KABILA ng mahigpit na pagtutol ng ilang sektor, kabilang na ang mga katutubong Dumagat, tuloy ang konstruksiyon ng P18.724-billion Kaliwa Dam Project na naglalayong maging karagdagang pagkukunan ng suplay ng tubig para sa mga residente ng Metro Manila.

Ayon kay Maynilad Water Services Inc. (MWSI) Administrator Emmanuel Salamat, tanging ang pagpapalabas ng Environmental Compliance Certificate mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kanilang hinihintay para ganap nang masi­mulan ang pagpapatayo ng nasabing dam.

“The MWSI will  implement ‘yung approved by the MWSS Board of Trustees na Kaliwa Dam under a Build, Operate and Transfer (BOT) scheme. The project ay handled by China Energy Engineering Corporation Limited, and ongoing ‘yung compliances sa other requirements in order to proceed witb the project…hinihntay natin ang ECC,” ang pahayag ng MWSI official sa pagdinig ng House Committee on Metro Manila Development kahapon.

Binigyan-diin ni Salamat na hindi nila basta isinasaisantabi ang panig ng mga tutol sa proyekto, katunayan ay patuloy ang kanilang diyalogo sa mga ito.

“We are addressing the concerns ng ating IPs, we are improviing our plans na dapat sustainable, mayroong  sustainable programs para ma-ensure ‘yung support natin sa mga maaapektuhan ng project,” pagtitiyak pa niya.

Nilinaw naman ng COA na mayroon na lamang ilang requirements na hinihintay mula sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na may kinalaman naman sa isinagawang bidding para sa multi-billion dam project.

Sa pagtaya, ang Kaliwa Dam ay makapagsusuplay ng karagdagang 600 million cubic meters ng tubig kada araw. ROMER BUTUYAN

Comments are closed.