KALSADA SA MAYNILA ISASARA SA RIZAL DAY

MPD

ISASARA ang ilang  kalsada sa Maynila para sa paggunita ng Rizal Day ngayon, Disyembre 30.

Batay sa inilabas na traffic advisory ng Manila Police District (MPD), ito ay upang bigyang-daan ang isasagawang mga programa para sa paggunita sa ika-123 anibersayo ng kamatayan ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

Kabilang sa mga isasarang kalsada ang North at Southbound lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak hanggang T.M. Kalaw mula 6:00 ng umaga.

Magpapatupad din ng traffic re-routing ang MPD kung saan ang mga trailer truck at heavy vehicles na patungong Roxas Boulevard mula P. Ocampo sa  Pres. Quirino Avenue muna dumaan.

Para naman sa mga sasakyang manggaga­ling sa McArthur, Jones at Quezon bridge, dapat na dumaan ito sa round table o Taft Avenue patungo sa kanilang destinasyon.

Samantala, tiniyak naman ng MPD na ang mga isasarang kalsada ay nakadepende sa magiging lagay ng trapiko ngayon.

Comments are closed.