LEYTE – MAKARAAN ang dalawang buwang pagsasara nang matabunan ng putik at bato dahil sa landslide, madaraanan na muli ang kalsada na nagkokonekta sa Leyte Island at Mindanao, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sinabi ng DPWH Southern Leyte field office na bubuksan na sa Lunes ang mga kalsada na karugtong ng Cadac-an Bridge.
Isasara naman ang Abuyog-Silago Road na naging alternate route mula Leyte patungong Mindanao.
Dahil sa rami ng bato at putik na tumabon sa tulay at mga kalsada ay inabot ng dalawang buwan ang paglilinis, ayon kay DPWH Southern Leyte district engineering office chief Ma. Margarita.
Noong March 14, naganap ang major landslide sa Brgy. Pancho Villa na sumira sa bahagi ng highway. EUNICE C.
Comments are closed.