KALUSUGAN AT IKAW

Napakahalaga ng kalusugan ng tao. Ang sabi nga nila, kahit wala kang gaanong pera, basta malusog ka, wala kang problema. Kung malusog ka, kaya mong mag-function ng mabuti physically, mentally, socially, at makapag-express spiritually ng buong buo, upang maipakita ang iyong kakaibang potensyal sa kapaligiran at sa mga taong nakapaligid sa inyo.

Totoo ang kasabihang Health is Wealth. Bakit nga hindi? Napakamahal magkasakit ngayon. Konsulta pa lamang sa duktor, tumataginting na P1,000 – pwede nang badyet sa pagkain ng isang pamilya sa isang araw, o baka higit pa. Hindi lamang yon. Kapag nasa ospital, natural lamang na hindi makakapagtrabaho, kaya your money goes down the drain.

Napakahalagang maging malusog ang tao dahil kung mayroon kang sakit, apektado ang lahat – pati na ang mga miyembro ng iyong pamilya, maging ang iyong decision-making. Halimbawa na lang, gusto mong mag-travel, pero hindi mo magagawa kung maysakit ka dahil hindi pwede sa iyo ang mahabang biyahe, o kaya naman, nagastos mo ang badyet para sa travel sa iyong hospital bills. Saklap!

Karapatan nating maging malusog, ngunit kadalasan, ang mga nakasanayan na rin natin sa buhay ang dahilan kung bakit tayo nagkakasakit. Alamin ang tamang diet para sa iyo, mag-exercise kahit kalahating oras lamang bawat araw, at iwasan ang mga bisyo tulad ng alak at sigarilyo. Lahat ng tao ay nangangailangan ng tamang healthcare, lalo na kung tayo ay nagkakaedad na. Sabi nga nila, prevention is better than cure.

Tandaan ring kapag sinabing good health, hindi ibig sabihin nitong wala ka lang sakit o disease o illness. Ito yung state ng complete physical, mental at social well-being. Ibig sabihin, kumakain ka ng balanced diet, nakakapag-exercise ng regular, nakapupunta saan mo man gustong pumunta, nakakakain ng gusto mong kainin, at nakakatulog ng mahimbing kung gusto mong matulog.

Mawalan ka na ng pera, huwag ka lamang magkakasakit, para ka na ring mayaman.

(RLVN)