KALUSUGAN NG AGING POPULATION PINATITIYAK

NABABAHALA  si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa tumatandang populasyon sa Southeast Asian region.

Ito ang unang pagkakataon na tinalakay ng isang regional leader ang tumatandang populasyon sa 42nd Association of Southeast Asian Nations Summit Plenary Session.

“Decades of sustained economic growth and prosperity has resulted in longer lifespans in ASEAN. According to the Asian Development Bank, one out of four people in the Asia Pacific will be over the age of 60 by the year 2050,” ayon sa Pangulo.

“I think therefore it is time that ASEAN should start discussing the concerns of an ageing population, consistent with the ASEAN tradition of valuing our elders,” sabi pa niya.

Dapat din aniyang tingnan ito na oportunidad at hamon.

Pinatitiyak din ng Pangulo sa ASEAN goals at work plans ang kalusugan ng aging population pati na ang pagbibigay ng ligtas, may dignidad at produktibong buhay.