TINIYAK ni Senador Christopher Bong Go na walang dapat ipag-alala ang publiko sa kalagayan ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay matapos na muling hindi makadalo ang Pangulo sa mga nakatakda nitong aktibidad nitong nakalipas na dalawang araw.
Ayon kay Go, nakaranas lamang ng pananakit ng tiyan ang Pangulo dahil sa kanyang maling nakain at walang matindi o seryosong nangyari dito.
Kasabay nito, humiling naman ng dasal si Go para sa mabilis na pag-recover ni Pangulong Duterte sa dinaramdam.
Samantala, magkakasunod na dinalaw ng senador ang mga biktima ng sunog sa Pasay, Pandacan at Tondo sa Maynila.
Unang dinalaw nito ang mga nasunugan sa barangay 145 Zone 16 Santo Niño sa Pasay City kung saan dinalhan niya ng pagkain, grocery at pinansiyal na tulong ang mga biktima.
Pagkatapos nito, nagtungo rin si Go sa mga nasunugan naman sa Parola compound Tondo Manila kung saan kaparehong tulong ang binigay sa mga biktima. DWIZ 882
654947 284086I saw your post awhile back and saved it to my computer. Only recently have I got a chance to checking it and have to let you know good function. 968684