ISINAILALIM ng lokal na pamahalaan ng Makati ang H. Santos Street sa Barangay Tejeros dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus disease sa lugar.
Ito ay napag-alaman kay Binay na nagsabing kanyang iniutos ang pagsasailalim ng naturang kalsada sa granular lockdown upang mapigil ang pagkalat ng virus sa pamamagitan ng agarang pagkilala, pag-isolate at panggagamot sa mga nahawahan ng COVID-19 na mga residente sa lugar.
Ginarantiyahan naman ni Binay ang mga apektadong residente na hindi sila pababayaan ng lokal na pamahalaan na handang ipagkaloob ang kanilang mga pangangailangang esensyal gaya na rin ng matagumpay na implementasyon ng localized community quarantine (LCQ) sa Brgy. Pio del Pilar noong nakaraang Marso.
Sinabi ni Binay na sa kanilang naunang ipinatupad na matagumpay na implementasyon ng localized lockdown ay ginagarantiyahan nila ang mga apektadong residente na sila na ang bahala sa mga pangangailangang esensyal habang ang mga apektadong residente ay sa kanilang mga bahay lamang.
Naghanda na rin ang lokal na pamahalaan ng food packs at iba pang esensyal na bagay tulad ng COVID-19 home care kits para sa mga indibidwal na nagpositibo sa COVID test.
Ayon kay Binay, isang “concierge-like” station ang itinayo sa locked down zone upang asistehan ang mga residente kabilang ang mga nangangailangan ng pagbili ng gamot at iba pang esensyal.
Nagtalaga rin ang lungsod ng swab teams sa lugar upang magsagawa ng house-to-house RT-PCR tests na prayoridad na tinutugunan ang mga pasyenteng symptomatic.
“We will immediately deploy our swab teams to conduct house-to-house swab tests to properly isolate and treat positive patients. I appeal to our Makatizens in H. Santos St. to cooperate so that we can curb the spread of the virus,” ani pa Binay.
Sa inisyal na pagpapatupad ng localized lockdown sa Barangay Pio del Pilar, sinabi ni Binay na kanila nang inalis sa lockdown ang mga lugar kung saan nagnegatibo na sa test ang mga residenteng nakatira rito makaraan ang unang 48 oras ng pagdedetermina at pag-isolate sa mga nahawahang residente na gnaito din ang gagawin sa Barangay Tejeros.
Samantala, umapela ang Philippine National Police (PNP) sa sambayanan na tumulong upang matiyak na magiging matagumpay pagpapairal ng mga bagong quarantine measures sa pagsawata ng COVID-19 na para rin sa taumbayan.
Ipinaliwanag ni PNP Chief Police General Guillermo Lorenzo T Eleazar na ang disiplinado at kusang pagsunod sa pinaiiral na minimum public health safety requirement at iba pang mga hakbangin gaya ng curfew at mga hindi kinakailangang pagbibiyahe ay tinuturing na first line of defense laban sa coronavirus-19.
Pagpapakita rin ito ng respeto sa mga tao na sumusunod at paggalang at pasasalamat sa mga health workers na nasa frontline sa paglaban sa virus nang mahigit isang taon na.
“Sa pag-umpisa ng Alert Level 4 at granular lockdown sa Metro Manila ngayong araw, muling nakikiusap ang inyong PNP sa ating mga kababayan na makiisa at isapuso ang mga alintuntuning ipinapatupad para sa kaligtasan ng lahat,”ani PGen Eleazar.
“Aabot sa mahigit 300,000 ang nahuli nating lumalabag sa mga quarantine rules sa NCR pa lamang simula Agosto 21 sa ilalim ng MECQ at aabot ang mga accosted violators sa mahigit isang milyon kung isasama natin ang mga nahuli sa apat na probinsya na katabi ng Metro Manila,” dagdag pa nito.Marivic Fernandez/Verlin Ruiz
643171 431391educator, Sue. Although Sue had a list of discharge instructions in her hand, she paused and 153823
924766 656942Some truly nice stuff on this website, I enjoy it. 795409
942315 452869After study quite a few the websites together with your internet site now, and that i genuinely appreciate your method of blogging. I bookmarked it to my bookmark website list and are checking back soon. Pls have a appear at my web page likewise and let me know in case you agree. 28736