“Discover unique crafts, savor delicious cuisines, and experience diverse cultures—all in one place.” Ito ang sentro ng mga kaganapan sa idinaos na International Bazaar sa World Trade Center Metro Manila kahapon November 3, 2024.
Sumali rito ang ibat ibang bansa na kinatawan ng 45 Diplomatic and Consular Mission sa Pilipinas na pinangunahan ng mga opisyal at miyembro ng Spouses of the Heads of Missions (SHOM).
Kabilang sa mga nakiisa sa proyekto ng International Bazaar foundation (IBF) ang China na nagpasalamat pa sa Department of Foreign Affairs dahil sa pagkakasasali sa kanila at pagkakaroon ng pagkakataon na ipakita ang kanilang mga produkto at kulturang malapit sa puso ng mga Pilipino.
“Lubos kaming nagpapasalamat kay Hon. Enrique Manalo, DFA Secretary at sa kanyang asawa na si Ma. Pamela Louise Manalo, Tagapangulo ng Philippine International Bazaar Foundation (IBF), para sa pagkakataong makibahagi sa napakagandang kaganapang ito,” ani China Ambassador to the Philippine Huang Xilian.
Ayon kay Amb. Huang Xilian, lubha rin nilang ikinagalak na binisita ni Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano ang kanilang booth.
Ipinagmamalaki ng Chinese Embassy ang kahanga-hangang koleksyon ng mga tradisyonal na handicrafts ng Tsina, tulad ng mga marikit na silk scarves at eleganteng folding fans.
Itinampok din sa kanilang pavillon ang mga paboritong laruan na panda, na hit sa mga bata. Ang kanilang mga babaeng diplomat, na nakasuot ng makukulay na tradisyunal na cheongsam ng Tsina, ay nagdagdag ng masiglang pamparami ng kultura sa kanilang presentasyon ayon pa sa embahada.
Kaugnay nito, umaasa ang Chinese delegation na makakalikom ang foundation ng pondo na makatutulong kahit kaunti sa mga lokal na pamilya at mga institusyong pangkawanggawa na nangangailangan.
Ginanap ang bazaar nitong Linggo sa Halls B at C ng World Trade Center sa Pasay City.
“This one day event – which showcases products from all over the world – is a collaborative effort among the IBF, the SHOM, and the Diplomatic and Consular Missions in the Philippines. It stands as a vibrant testament to the enduring power of cultural heritage, unity in diversity, and the importance of fostering an international community spirit,”ayon sa mga organizers.
“This Bazaar’s main purpose is to provide assistance and offer hope to those who are in need by raising funds to support charitable causes championed by both the SHOM and the IBF, all aimed at transforming the lives of marginalized members of the community,” pahayag naman ni Ms. Manalo.
VERLIN RUIZ