Inianunsyo ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ang kanyang tanggapan ay patuloy na nakikipag -ugnayan at nakipagsanib puwersa kay Metropolitan Manila Authority (MMDA) Chairman Atty. Romando S. Artes para ipatupad ang libreng sakay sa mga maapektuhang pasahero ng isinasagawang transport strike ng mga jeepney driver ngayong linggo.
Hanggang Biyernes ang pagsasagawa ng tigil pasada ng mga jeepney driver.
Nagpadala ang Kamara ng limang bus upang madagdagan ang rescue vehicle na kinakailangan ng MMDA.
“During this period of strike, I commend MMDA acting chair Artes for working with us in ensuring the continued accessibility of reliable public transportation services,” sabi ni Romualdez.
“The MMDA, in partnership with the House of Representatives and other local government agencies, ensures the immediate dispatch of free ride services to help our commuting public. We thank the leadership of Speaker Romualdez for responding and helping our objective that commuters would not suffer from this transport strike,” sabi ni Artes.
Ang limang bus umano ay nadeploy sa mga sumusunod na ruta: Sucat-Baclaran, Pasig-Momumento-Quiapo, Philcoa-Doña Carmen, Parañaque City hanggang City Hall, at Antipolo-Quiapo.
Ang Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) ay namuno sa tatlong araw na transport strike mula Nobyembre 20 at nagtapos ng Miyerkoles upang magprotesta laban sa napipintong deadline ng Public Utility Vehicles Modernization Program (UVMP) na naglalayong ma-phase out ang mga tradisyonal na jeepney.
Ma. Luisa Garcia