(KAMARA handa na 100% sa SONA) POSITIVE SA ANTIGEN TEST ‘DI PAPAPASUKIN SA PLENARY HALL

NAKAHANDA  na siyento porsiyento ang Kamara de Representantes sa gaganaping ika-anim at huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes 26.

Ito ang tiniyak ni Dr. Raffy Valencia, OIC-Director ng House Medical and Dental Service, na nakahanda 100% ang Mababang Kapulungan sa SONA kahit pa may banta ng Delta variant.

Ayon kay Dr. Valencia, kung ikukumpara sa mga nakalipas na SONA ay mas mahaba at mas mabusisi ngayon ang safety at health protocols dahil sa pandemya.

Lahat aniya ng House at Senate members, mga bisita, at personnel na papasok sa plenary hall sa SONA ay kailangang magprisinta ng negative RT-PCR test result, sumailalim sa antigen test, magpakita ng vaccination card at SONA ID na inisyu ng Kamara gayundin ay pinagsusumite ang mga ito ng Health Declaration Form mula sa Presidential Security Group (PSG).

Hindi naman papasukin ng PSG ang mga nagpositibo sa antigen test sa mismong araw ng SONA kahit pa may dala ang bisita na negative result ng RT-PCR test.

Inihanda naman ang tatlong gusali na “sanitized areas” o “bubble building”, ang South Wing Annex, Main Building, at Ramon V. Mitra Building, kung saan hindi maaaring makapasok dito ang sinumang walang RT-PCR at antigen test result at hindi na rin pwedeng lumabas hanggat hindi natatapos ang ulat sa bayan ng Pangulo.

Ang mga papasok sa mga nabanggit na “bubble building” ay dadaan muna sa antigen test ng PSG sa North at South Wing lobby entrances.

May hiwalay ring RT-PCR at antigen test para sa mga empleyado ng Kamara na magtatrabaho sa araw ng SONA pero hindi naman papasok sa mga “bubble buildings”.

Pinayuhan naman ni Dr. Valencia ang mga bisita at dadalo sa SONA na mag-double mask bunsod na rin na anim na beses na mas nakakahawa ang Delta variant.

Nagpaalala rin ang Mababang Kapulungan sa mga guests sa SONA na papayagan lamang ng PSG ang pagsusuot ng “fashion masks” na ka-terno ng mga damit para sa posterity at picture taking pero pag papasok na sa loob ng plenaryo ay papalitan na ito ng medical grade mask.

Magbibigay rin ang PSG ng face shields sa oras na pumasok sa Main Building.

Magtatalaga rin ng shuttle para sa mga kailangang lumipat ng gusali dahil hindi papayagan ng PSG ang paglalakad sa daan sa loob ng Batasan Complex. Conde Batac

70 thoughts on “(KAMARA handa na 100% sa SONA) POSITIVE SA ANTIGEN TEST ‘DI PAPAPASUKIN SA PLENARY HALL”

  1. Hello there! This blog post could not be written any better!
    Looking at this article reminds me of my previous roommate!
    He constantly kept preaching about this. I am going to send this article to
    him. Fairly certain he’ll have a good read. Thanks for sharing!

  2. 555143 430375Soon after study several the websites on your own internet web site now, i truly like your indicates of blogging. I bookmarked it to my bookmark internet site list and will also be checking back soon. Pls consider my web-site likewise and tell me what you consider. 35792

  3. 209699 813507Hi. Cool post. Theres an problem with your internet site in firefox, and you might want to check this The browser is the market chief and a excellent section of men and women will pass over your wonderful writing because of this issue. 946422

Comments are closed.