TINIYAK ni House Committee on Appropriations Chairman Rolando Andaya Jr. na igagalang ng liderato ng Kamara ang anumang kahihinatnan ng 2019 budget sa kamay ni Pangulong Duterte.
Tiwala si Andaya na batid ng Pangulo ang makabubuti para sa bansa at sa mga mamamayan dito.
Sinabi ni Andaya na kapag nagdesisyon si Pangulong Duterte na i-veto nang buo ang panukalang 2019 budget nangangahulugan ito na tatakbo ang bansa sa reenacted budget.
Ito aniya ay magbabalik sa P80 bilyon na inalis ng Senado sa panukalang pondo na para sana sa mga proyekto na nais ng Pangulo.
Sa magiging pasya ng Pangulo, naniniwala si Andaya na bibigyang timbang nito ang ginawang drastic budget cuts ng Senado. CONDE BATAC
Comments are closed.