KAMARA, MAY BAGO NANG MAJORITY LEADER

Rep-Rolando-Andaya-Jr

ITINALAGA na bilang bagong House Majority Leader si Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr.

Pinalitan ni Andaya si dating House Majority Leader Rodolfo Fariñas na hindi naman nag-object nang i-nominate sa floor si Andaya.

Dahil si Andaya na ang Majority Leader, awtomatikong ito na rin ang Chairman ng Committee on Rules.

Agad namang nanumpa si Andaya kay House Speaker Gloria Arroyo.

Samantala, itinalaga naman si Roberto Maling bilang Acting House Secretary General kapalit ni Cesar Strait-Pareja.

Habang ang dating PSG Chief noong Pangulo pa si Arroyo na si retired Gen Romeo Prestoza naman ang itinalaga bilang House Sgt. At Arms kapalit ng dating Sgt. At Arms na si Ret. Lt. Gen. Roland Detabali.

Pinalitan na rin si Pampanga Rep. Rimpy Bondoc ni 1-SAGIP PL. Rodante Marcoleta bilang Senior Deputy Majority Leader habang si Leyte Rep. Yedda Marie Romualdez ay pinalitan si Batangas Rep. Elenita Ermita-Buhain bilang Chairman ng Accounts Committee.

Inanunsiyo rin sa plenar­yo na si Quezon Rep. Danilo Suarez pa rin ang Minority Leader sa kabila na bumoto ito pabor sa Speakership ni CGMA.

Agad namang tumayo si Marikina Rep. Miro Quimbo para tutulan ang pananatili ni Suarez na lider ng Minorya dahil malinaw sa rules ng Kamara na ang mga bumotong pabor sa Speaker ang siyang bubuo sa Majority.     CONDE BATAC

Comments are closed.