NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang liderato ng Kamara sa mga ulat na mga cyber attack na na- trace ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na sinasabing nagmumula sa China na nagtatangkang i-infiltrate ang mga email at internal websites ng pamahalaan.
“I express deep concern regarding the recent cybersecurity breaches in government agencies, as reported by the Department of Information and Communications Technology. The revelation that hackers, suspected to be operating from China, have infiltrated the email systems and internal websites of various government agencies, is a matter of national security and public interest,”ang sabi sa isang pahayag ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Una rito, sinabi ni DICT Undersecretary Jeff Ian Dy sa kanilang imbestigasyon na ang IP address ng umaatake umano ng hacking sa pamahalaan ay na-trace nila sa isang command and control operating center sa China na isa umanong state run agency ng pamahalaan nito. Pinakahuli umanong namonitor at napigilan ng DICT ang tangkang pag-takedown sa website ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Ang tinarget umano ng cybersecurity breaches ay ang mga critical domains ng pamahalaan tulad ng cabsec.gov.ph, coastguard.gov.ph, cpbrd.congress.gov.ph, dict.gov.ph, doj.gov.ph, at ncws.gov.ph, na kasama sa private domain ng Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, at kabilang ang Congress, ayon kay Dy.
“This signifies a dire need for an immediate and comprehensive response. Ang pag-atake sa ating mga sistema sa internet ay hindi lamang banta sa ating pamahalaan kundi pagnanakaw na rin sa ating sariling tahanan. Hindi natin ito dapat palampasin at kailangan nating labanan,”ang pahayag ni Romualdez.
“In light of these alarming developments, I am calling on the DICT and other concerned agencies to conduct a thorough briefing for the House of Representatives. This briefing should focus on the nature and extent of these cyber-attacks, the current measures in place to prevent future incidents, and strategies for enhancing our cybersecurity infrastructure,” sabi ni Romualdez.
Panukala ni Romualdez na ang briefing tungkol dito ay idaan sa open hearing na pamumunuan ng House Committee on Public Information at House Committee on Information and Communications Technology.
“Transparency in this matter is crucial as it affects not just the integrity of our government’s digital infrastructure but also the safety and privacy of our citizens,”sabi ni Romualdez. Ma. Luisa Macabuhay-Garcia